CHAPTER 46
SHIT! Mabuti na lang at nagawa kong gumulong papunta sa gilid para maiwasan ko 'yong bala. Muntik na 'ko r'on! Mabilis din akong bumangon para makatakas.
Nagsunod-sunod naman ang pagpapaputok niya sa akin, pero maagap ko ring naiilagan ang bawat bala. Mabilis ko namang tinakbo 'yong malaking poste malapit sa akin para makapagtago.
Bwisit talaga ang baliw na 'to!
"Oh, bago 'to! George is hiding from me!" tila nababaliw na talagang wika nito. "Show up, George! I know it's not your thing! Come on!"
Ah, gan'on, ah?
Ayaw ko sanang gamitin ang baril ko sa kaniya, pero pinipilit niya 'ko!
Kaya naglabas na ako ng isa sabay ikinasa. Nagpakita na nga ako sa kaniya tulad ng gusto niya sabay paputok ko ng baril, pero 'yong gilid lang niya ang pinatamaan ko para lang warning-an siya. Napatili naman siya sa gulat at napasapo pa sa magkabila niyang tenga.
Sinamantala ko naman 'yon para sugurin siya at agawin ulit ang hawak niyang baril, pero natunugan niya rin agad ang kilos ko kaya agad din niya akong nalabanan nang mahawakan ko nga 'yon. Nag-aagawan na naman kami ngayon sa baril niya.
"Ikaw na baliw ka, kung ako sa 'yo, tigilan mo na 'tong kahibangan mo! Hindi ka pa ba napapagod?" singhal ko sa kaniya habang patuloy pa rin kami sa pag-aagawan.
"No! Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakapuntos sa 'yo!" bwelta naman niya.
Lintik na puntos na 'yan!
Sa inis ko, buong pwersa ko nang inagaw sa kaniya 'yong baril, pero agad din niyang tinapatan 'yon, ayaw talagang patalo.
Hanggang sa hilahin ko siya palapit doon sa pader. Doon ko hinampas-hampas ng malakas ang mga kamay niya para manghina at mabitawan niya 'yong baril.
Nagtagumpay naman ako.
Pero pagkabitaw niya n'on, mabilis din niya 'kong sinugod at binato ng isang suntok. Tinamaan ako sa mukha kaya bahagya akong napaatras.
Sinamaan ko agad siya ng tingin habang nakasapo ako sa mukha ko. Masakit 'yon, ah! Hindi pwedeng hindi ako gaganti!
Mabilis ko nga siyang sinugod at isang malakas na sipa sa tagiliran naman niya ang iginanti ko. Mabilis ko pang sinundan 'yon ng isa pang sipa sa kabila. At ang panghuli, bumwelo pa ako para umikot sa ere at binigyan siya ng sipa sa mukha.
Taob siya!
Na-out balance ako pagkatapos kaya napaupo ako sa sahig, dahil na rin sa pagod. Panay na rin ang hingal ko ngayon dahil d'on. Pero hindi ako pwedeng sumuko, kailangan kong mailigtas si Lucas.
Sinilip ko si Hillary, nakabulagta na siya ngayon, tulog na rin yata. Kaya tumayo na agad ako para magpatuloy.
Pero nang lalampasan ko na siya, bigla niya namang hinawakan ang isa kong paa at saka niya ako buong pwersa na hinila pahiga.
Dumaing ako sa marahas kong pagbagsak, sapu-sapo ko ang braso kong tumama. "Ah!" sigaw ko pa ng 'di ko na makaya ang sakit. Hindi na ako makatayo agad.
Siya naman ang mabilis na tumayo ngayon at pinamaywangan ako. "Akala mo, lot-lot na 'ko, 'no? Well, strategy ko lang 'yon. Akala mo kasi lagi ka na lang panalo!" aniya at parang baliw na namang tumawa.
Ilang sandali ay natanaw ko naman ang paglapit niya sa baril niyang nabitawan niya kanina. Naalarma ako bigla. Shit, hindi pwede!
Pero kasabay n'on, natanaw ko rin ang baril ko, mga tatlong hakbang lang siguro ang layo mula sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
Ficción GeneralIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...