CHAPTER 19

143 2 0
                                    

CHAPTER 19

PAGSUNDO ko kay Bossing at nang maghiwalay silang mag-pi-pinsan, balik na naman siya sa dati. Bumalik din agad ang seryoso, masungit, at snob kong Bossing.

At hindi ko na rin ulit nakita pa 'yong magandang ngiti niya kanina.

Hanggang sa makauwi kami ng bahay, balik-normal na talaga siya. Pakiramdam ko tuloy, guni-guni ko lang 'yong nakita kong ngiti niya. Mas lalo pa naman siyang gumwapo sa paningin ko nang makita ko 'yon.

Akala ko pa naman, magiging dahilan si Sir Gideon para magbago man lang ang awra at mood niya kahit papaano. Pero hindi pa rin pala.

"Bossing, 'di ba, ilang araw lang si Sir Gideon dito sa bansa? Bakit hindi mo na lang siya rito pinatuloy?" tanong ko sa kaniya ngayon nasa hapag na kami para sa hapunan.

"He has Lolo's mansion to stay in, he doesn't need to be here," matabang niyang sagot.

"Oo nga, pero bakit hindi mo na lang ginamit 'yong oppotunity na 'yon para magkasama man lang kayo, 'di ba? Sandali lang 'yong bakasyon niya, paano mo ma-eenjoy 'yon, eh, araw-araw kang babad sa trabaho," komento ko.

Bigla naman niyang ibinaba ang kutsara't tinidor na hawak saka ako sinamaan ng tingin. "Why are you being nosy about that thing, anyway? You don't know anything about me and Gideon either," singhal na naman nga niya sa 'kin.

"Hindi naman sa nagiging tsismosa ako, Bossing. Ikaw lang naman ang iniisip ko. Alam mo 'yon? Worried lang ako sa kasiyahan mo. Minsan ka na nga lang mag-eenjoy sa buhay kasama ang pinsan mo, bakit hindi mo pa sulitin? Siya lang ang ka-close mo sa lahat, 'di ba?"

"Sinabi mong hindi ka tsismosa, pero bakit alam mo ang tungkol sa bagay na 'yan?" sita niya pa sa 'kin saka ako nginisihan ng sarkastiko. "And what? Gusto mo rin ba siyang makasama, ha? That's why you are suggesting me that?" dagdag pa niya.

"Oy, hindi gan'on 'yon, Bossing, ah!" depensa ko agad. "Tulad nga ng sabi mo, hindi ko kayo parehong kilala, lalo na si Sir Gideon, kaya bakit ko gugustuhin 'yon? Ang akin lang naman, minsan lang umuwi 'yong pinsan mo, bakit 'di mo pa sulitin, 'di ba? Eh, kung ayaw mo sa suggestion ko, eh 'di wag!" at nagpatuloy na nga lang ako sa pagkain.

Diyos ko! Pinag-isipan pa talaga niya 'ko ng masama! Bakit ko naman gugustuhin 'yon, 'di ba? Hindi naman ako gan'on ka-interesado sa kwento nila, tss.

"Saka correction, Bossing," salita ko ulit. "Hindi ako tsismosa, 'yon lang ang mga naririnig kong kwento tungkol sa 'yo,"

"Anong pinagkaiba n'on?"

"Ang tsismosa, siya ang kusang lumalapit sa tsismis, Bossing. Ako, nahagip lang ng tenga ko ang tsismis na 'yon tungkol sa 'yo, hindi ko 'yon ginustong malaman!"

"Ang dami mong sinasabi!" sabi niya saka ako nginisihan na naman ng sarkastiko.

Naitikom ko na lang nga ang bibig ko, hindi na ko nagkomento.

Arte nito!

"I can't bring him here to stay with me," salita rin naman niya malaunan. "What if those goons attack me while we are together? And worst, what if he got hurt instead of me? I can't put his life at risk,"

Napatango-tango ako sa sinabi niya, may point naman siya roon.

Hindi na talaga ako nagkomento pa. Palihim na lang akong napatitig sa kaniya habang tahimik siyang kumakain.

Ang hirap pala talaga ng sitwasyon niya. Pati 'yong oras na dapat ay ilalaan na lang niya para sa kanilang mag-pinsan, naitataya niya pa ngayon dahil lang sa mga walanghiyang 'yon.

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon