#SKL: A long chapter ahead. hehehe! Happy reading 😘
CHAPTER 50
GEORGE
"GOOD MORNING SA INYO!" buong sigla kong bati kina Miss Janna, Miss Valeen, Marcus, at Owen pagdating ko sa opisina. Halatang gulat na gulat sila sa biglaang pagsulpot ko ngayong araw. Sabay-sabay pa silang lahat na napalingon sa akin.
"Oh, my God! George!" tili nina Miss Janna at Miss Valeen at dali-dali akong sinugod at niyakap. Pumuwesto sila sa magkabilang gilid ko at nag-join force sila sa pagyakap sa akin. Halos hindi na nga ako makahinga!
Nang bitawan nila ako ay halos maghabol ako ng hininga. "Grabe namang salubong 'yon! Kababalik ko lang pero parang gusto niyo na akong patayin, ah?" biro ko sa kanila.
"Sorry na! Na-miss ka kasi namin, ano ka ba!" tugon ni Miss Valeen na nakakapit pa rin sa braso ko.
"Oo nga! Saan ka ba nanggaling, ha? Mahigit isang buwan kang nawala!" wika naman ni Miss Janna.
Napangiti ako. "Wala, may importante lang akong inasikaso sa buhay ko," simpleng sagot ko lang sa kanila.
Mahigit isang buwan na nga ang nakakalilipas mula nang mawala ako rito sa Empire, at ngayon, nagbalik na ulit ako. Ito naman talaga ang usapan namin ni Lucas, babalik ako sa trabaho pagkatapos ng isang buwan na pagpapagaling.
Sa loob din ng isang buwang 'yon ay walang sinumang nakalaam sa mga nangyari maliban sa amin. Pinanatili naming sikreto ang lahat para wala nang issue. Maging ang pamilya ni Lucas ay walang nalaman sa tungkol doon. Nagtakha ang mga ito sa pagkakawala niya noong araw ng launching, pero nakapagdahilan pala siya sa mga ito na may mas mahalaga siyang kailangan asikasuhin noong araw ring 'yon.
Kahit ang nangyari sa pagitan nilang magpinsan ay nilihim niya rin sa pamilya niya. Hanggang sa tahimik na bumalik si Sir Gideon sa Canada matapos ng nangyari sa kanila. Hindi na rin siya nagsampa ng kaso laban sa pinsan niya sa ginawa nito. Alam ko na kahit sobra siyang nasaktan nito ay naroon pa rin ang pagpapahalaga niya para kay Sir Gideon. Pero hindi madaling gamutin ang sugat na dinulot nito sa kaniya dahil minsan niya itong pinahalagahan sa buhay niya. Kaya nga ni minsan ay hindi ko siya kinumbinsi na patawarin na lang niya ito dahil alam kong hindi gan'on kadali 'yon. Alam ko, sa paglipas naman ng panahon, unti-unti rin 'yong maghihilom.
"Ano ba ang ginawa mo sa loob ng isang buwan at parang mas lalo ka pa yatang gumanda ngayon, George?" biglang tanong naman sa akin ni Marcus at kitang-kita namin ang pamumula ng mga pisngi nito habang nakatitig sa akin.
Pinutakte tuloy nila agad ako ng pangangantyaw. Lintek naman sa ngisi ang loko, ang sarap pektusan! "Tigilan mo nga ako, Marcus! Hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako madadale sa mga ganyang pick-up lines mo!" angil ko nga rito. Napakamot naman bigla sa batok ang loko.
"Hayaan mo na, George! Na-miss ka lang niyang si Marcus! Alam mo bang malungkot 'yan noong nawala ka? Wala na raw siyang nasisilayan dito," hirit naman ni Miss Janna.
"Ah, talaga?" binalingan ko ulit si Marcus. Nakangiti pa rin ang loko sa akin! "Puwes, hindi kita na-miss! Si Owen, puwede pa!" pagtataray ko pa rito with matching irap pa nga, saka ko binalingan si Owen na nasa tabi nito at nginitian.
Agad namang nanlaki ang mga mata nito sa gulat. "Si Owen? Huh! Asa ka pa na na-miss ka rin nito! Eh, maligaya na 'to noong nawala ka, eh!" bwelta ng loko.
"Talaga?" hindi makapaniwalang reaksyon ko.
"Oo, bet niya kasi 'yong bagong production manager na pumalit kay Miss Sheryl," sagot ni Miss Janna, saka ininguso ang direksyon ng babaeng bago nga sa paningin ko. Ito na nga ang nakaupo sa dating puwesto ni Miss Sheryl.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...