CHAPTER 28
"BOSSING!" tawag ko sa kaniya pagpasok na pagpasok ko sa opisina niya.
Gulat naman siyang napaangat ng tingin sa akin at agad na naman akong kinunutan ng noo. "What?"
Nginitian ko naman siya ng matamis bilang sukli. Nang makalapit na ako sa mesa niya ay itinukod ko rito ang mga braso ko at mataman ko siyang tinitigan. "Sama ka sa 'kin,"
"Where?" ngayon ay tumaas naman ang isa niyang kilay.
"Birthday ng Mammy ko ngayon! Pinaiimbitahin ka kasi niya sa akin. Actually, kanina pa niya ako tinatawagan tungkol d'on. Eh, ngayon ko lang naalala dahil ang dami na naman kasing pinagawa sa akin ni Miss Prada!"
Totoo, birthday ni Mammy ngayon. Ang aga ko ngang nagising kaninang umaga para lang batiin siya, eh. Pero sa halip na mag-thank you, ang bungad niya sa akin ay,
"Siguraduhin mo na maisasama mo si Sir Lucas mamaya, ah? Maghahanda ako ng marami para sa kaniya!"
O, 'di ba? Iba talaga ang tama niya kay Bossing, ewan ko ba! Um-oo na lang ako kahit na nag-da-dalawang isip ako. Hindi ko kasi talaga alam kung sasama nga ba siya sa akin. Nagbaka sakali lang ako ngayon nang maalala ko nga siyang yayain.
"Today is your Mom's birthday?" tila nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Opo, birthday niya ngayon. Ano, sasama ka ba, Bossing? Sama ka na! Masaya r'on sa amin," pangungumbinsi ko na nga sa kaniya.
"Okay, I'll go with you." nagulat ako sa bigla niyang pagpayag! Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kaniya. Hanggang sa bigla pa siyang tumayo. "Let's go! Let's buy a gift for your mother!" at dali-dali pa siyang lumabas ng opisina niya.
Ilang sandali muna akong napakurap-kurap sa ginawa niya. Gulat na gulat ako! Wala na talagang pilitang nangyari, ha? At bibili pa siya ng regalo agad-agad!
"DO YOU think your Mom would like this one?" tanong niya nang nasa Mall na kami. Sa isang jewelry shop kami dumiretso.
Nanlaki ang mga mata ko sa pinakita niya. "Bossing, seryoso ka? 'Yan ang i-re-regalo mo kay Mammy? Parang masyado 'yang mahal, eh!" bulalas ko. Isang gold bracelet ang pinakita niya sa akin. At kahit napakasimple lang n'on ay naghuhumiyaw naman sa kamahalan!
"Hmm, I don't think so?" aniya saka nagtawag ng isang saleslady. Ipinakita niya rito 'yong bracelet. "How much does this cost?" tanong niya.
"Sir, it costs one hundred fifty thousand fifty-five pesos po,"
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Ano?!" nilingon ko siya. "Bossing, hindi mo kailangang—"
"Just that much?" natigagal ako sa sinabi niya sa babae, parang naliitan oa siya sa halaga. "This looks good. Okay, I'll buy this," at binigay na nga niya rito 'yong bracelet para ipabalot.
"Bossing!" hindi ko mapigilang iyak sa kaniya.
"What?" inosente niya lang na tugon.
"Hindi mo kailangang bumili ng gan'on kamahal para lang sa Nanay ko! Ako nga, walang regalo, eh. Basta maisama lang daw kita, okay na. Tapos ikaw naman... tsk!" halos mapapadyak pa ako sa inis.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...