CHAPTER 7

160 5 0
                                    

CHAPTER 7

"I-IKAW?!"

"Y-YOU?!" Halos sabay na bulalas namin sa isa't isa.

Hindi ako makapaniwala! Bakit nandito 'to? Bakit sa dinarami ng lugar na makikita ko siya ulit, bakit dito pa?!

Hindi ko ma-i-alis ang mga mata ko sa kaniya habang kunot na kunot ang noo ko at masamang-masama naman ang titig niya sa ‘kin.

Hindi na 'ko magtataka kung bakit ganyan ang reaksyon niya ngayong makita ‘ko ulit. Grabe ba naman ang ginawa ko sa kaniya n'ong unang pagkikita namin, eh. Pero… hindi ko naman talaga gustong gawin 'yon, eh! Malay ko ba kasi na hindi siya ‘yon? Eh, magkapareho pa ‘yong suot nila.

"What the hell is this woman doing here?!" Bulyaw niya kay Kuya Nelson habang hindi niya inaalis ang nanggagalaiting titig sa ‘kin.

"A-Ah, K-Kilala niyo po si George? Magkakilala po kayo, Sir?" Naguguluhang tanong naman pabalik ni Kuya Nelson, nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa ‘min. "George, kilala mo ang amo ko?"

Natigilan ako, halos manlaki ang mga mata ko sa gulat.

Ano?! So, ibig sabihin, itong hinayupak pa pala na 'to ang CEO ng kumpanyang 'to?!
iya ang magiging amo ko?!

Diyos ko po! Akala ko ito na ang swerte ko, kamalasan pa rin pala!

So, totoo pala talaga ang sinasabi niya sa presinto n’ong gabing ‘yon? Na mayaman siya at pagsisisihan ko ang ginawa ko sa kaniya!

Bigla akong nanghina, bumagsak ang mga balikat ko. Gusto kong kastiguhin ang sarili ko nang dahil sa ka-engotan ko!

Patay ka na talaga ngayon, George!

"So, you know this girl, Secretary Nelson?" Hindi makapaniwalang tanong niya kay Kuya Nelson kalaunan habang nakapameywang. Sarkastiko pa niya ‘kong nginisihan nang balingan niya ulit ako.

Napalunok na lang ako ng ‘di oras.

"O-Opo, Sir! Actually...” Parang biglang nag-alangan si Kuya Nelson sa pagpapakilala sa ‘kin. “S-Siya po 'yong tinutukoy ko na nahanap kong magiging bodyguard niyo."

"What?!" This time, halos dumagundong na sa buong opisina niya boses niya. Tinuro niya pa ‘ko. "You mean, that girl? Are you kidding me?!"

"S-Sir, siya po talaga ‘yon,” Kumpirma ni Kuya Nelson. “Pero ‘wag po kayong mag-alala—"

"Gusto mong ipagkatiwala ang buhay ko sa babaeng muntik na rin akong ipahamak?!" Galit na galit pa rin siya! "And, Secretary Nelson, hindi ba malinaw sa 'yo ang character ng taong pinapahanap ko? I can’t find any of it to her!"

Halos hindi na makapagsalita si Kuya Nelson, mukhang gulong-gulo na talaga siya sa mga nangyayari. “T-Teka lang po. Kaya po ba galit na galit kayo kay George dahil…” Tinapunan niya 'ko ng isang mabilis na sulyap habang nakakunot ang noo. “Siya po ba ‘yong tinutukoy niyong babae na nagbintang, nanakit, at humila sa inyo sa presinto?"

Napapikit ako ng mariin at napayuko na lang. Ito na nga bang sinasabi ko, eh!

"Yes, exactly! It’s her! The one and only!" Gigil na gigil na kumpirma niya. "And job well done dahil walang kahirap-hirap mong naiharap ulit sa ‘kin ‘tong babaeng 'to!" Sarkastikong papuri pa niya kay Kuya Nelson sabay tingin na naman sa ‘kin ng nang-uuyam.

Pinapahanap niya ‘ko?! Mukhang napakalaki nga talaga ng nagawa ko sa kaniya! Katapusan ko na nga yata talaga 'to!

Napahinga ako ng malalim bago nag-angat ulit ng tingin sa kaniya. “Okay! Okay!” Salita ko na, tumikhim pa 'ko. “Hindi ko naman talaga gustong gawin sa 'yo 'yon, okay? I mean, parang ginusto ko nga rin dahil akala ko, ikaw 'yong magnanakaw. Masisisi mo ba ‘ko na hindi ka mapagkamalan? Eh, parehong-pareho kaya kayo ng suot n'ong magnanakaw na hinahabol ko, tapos akala ko tatakasan mo pa ‘ko n'on! Concern lang naman ako sa mga kapit-bahay ko na nabiktima ng hinayupak na magnanakaw na 'yon, ginawa ko lang ang tama! Ang kasalanan ko lang ay ‘yong ‘di ko siniguro kung tama nga ba ‘yong hinuli ko at...” Napaiwas ako ng tingin. “A-At 'yong h-hindi nga kita pinakinggan… nasaktan pa kita. Kaya nga n’ong malaman ko na nagkamali pala talaga ‘ko, maniwala ka man o sa hindi, nagsisi talaga ako ng sobra sa ginawa ko, hanggang ngayon! Kaya… pasensya na."

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon