CHAPTER 13

133 2 0
                                    

#SKL: This chapter is only the part 1 of what will happen in the party. Masyado kasing hahaba if one chapter lang siya so, I make it up to two chapters. Enjoy reading!

CHAPTER 13

DAHIL SA SINABI ni Bossing, nag-umpisa na nga akong panoorin at obserbahan si Kuya Nelson sa trabaho niya. Tinuturo at binibilin na kasi niya sa 'kin 'yong mga importante at kailangang gawin bilang secretary ni Bossing. Sa Monday kasi wala na siya, doon na 'ko magsisimula.

Ngayon pa lang, napapagod na 'ko. Ang dami niyang sinasabi! Ang dami ko ring dapat tandaan.

Makakaya ko kaya lahat 'yan?

"Kaya mo 'yan, George! Naniniwala ako sa 'yo. Basta, sa tuwing sesermunan ka, 'wag mo na lang pansinin. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa. Para 'di na humaba ang sermon niya, gawin mo na lang agad ang sinasabi niya para wala nang problema," Payo pa niya.

"Sana nga, kayanin ko, Kuya Nelson," Nakangusong komento ko.

"Pwede mo 'kong tawagan kapag nalilito ka o kung may mga tanong ka," Tinapik niya 'ko sa balikat. "Sorry, George, ah? Naging doble tuloy ang trabaho mo dahil sa 'kin. Kung kakayanin lang sana ng asawa ko na siya na lang ang mag-asikaso sa bunso namin, hindi sana ako mag-li-leave."

"Ay, ano ka ba, Kuya Nelson! 'Di ka dapat nag-so-sorry, wala kang kasalanan! Tama lang na magbigay ka ng oras sa pamilya mo, kailangang-kailangan ka nila sa gan'ong sitwasyon," Pagpapalubag loob ko sa kaniya. "'Nga pala, kamusta mo 'ko kay Erica, ha? Sabihin mo, 'pag nagkita kami ulit, libre na ang pie niya sa 'kin."

Napangiti na siya. "Sige, sasabihin ko,"

Ilang sandali pa ay balik trabaho na naman si Kuya Nelson, pangatlong beses na yata siyang pinatawag ni Bossing ngayong araw.

Nakasimangot na napasandal na lang ako sa kinauupuan ko.

Kapag ako na ang secretary, hindi na 'ko makakapuslit ng laro! Sayang internet, tss.

HANGGANG sa sumapit ang Sabado, dalawang trabaho ang iniisip ko. Inaalala ko 'yong mga payo at bilin sa 'kin ni Kuya Nelson, at itong misyon namin mamayang gabi.

Buong araw, pinag-uusapan namin ni Bossing ang mga gagawin ko sa party. Kung pa'no ko lalapitan 'yong dalawa niyang pinsan.

Pinakinig pa niya sa 'kin ang recorded na boses ng mga ito para kabisaduhin. Masquerade Ball kasi ang tema ng party mamaya. Ibig sabihin, nakamaskara ang lahat, kaya kailangan kong bumatay sa boses kung 'di ko sila madaling mahahanap sa mukha.

"Always remember, they must not know that we knew each other and that we are planning something like this to them. They are wise, baka isipin ng mga 'yon, na-te-threaten ako sa kanila kaya ko 'to ginagawa," Paalala pa niya sa 'kin.

"Noted, Bossing!" Sumaludo pa 'ko sa kaniya.

NANG mag-alas cinco ng hapon, lumarga na kami ni Bossing. Dadalhin na raw niya 'ko sa salon kung saan ako magpapaayos.

Napapalunok na lang ako habang nasa byahe.

Naku po, heto na naman! 'Yan pa naman ang pinakaayaw ko, 'yong nilalagyan ako ng make-up sa mukha.

Huling beses yata akong inayusan, Graduation Ball noong college. Hindi na kasi ako nagpa-make up noong mismong graduation, ayaw ko na. At ang tagal na n'on, halos mag-a-anim na taon na ang nakakalipas.

Hindi naman gan'on kalayo ang salon na pinuntahan namin, mga fifteen minutes lang yata na byahe.

In fairness, mukhang mamahaling salon 'to, ah? Well, bakit nga ba nagtataka pa 'ko? Eh, CEO ng Rollick Empire 'tong amo ko. Pupunta ba sa 'cheap' 'yan? Of course, not!

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon