CHAPTER 9

170 9 0
                                    

CHAPTER 9

"WOW!" Halos mapanganga ‘ko sa pagkamangha nang pindutin ko ang isang button dito sa kotse ni Bossing tulad ng sabi niya kanina sa ‘kin.

Sabi niya, kapag narito na raw ulit ako sa harap ng gate niya, pindutin ko lang daw ‘tong button na ‘to at automatic nang bubukas ang malaking gate niyang ‘to. At totoo nga! Bumukas agad ‘yong gate!

Lahat kaya ng sasakyan niya may access din d’yan? Hi-tech!

Pagpasok ko nga nitong sasakyan, pinarada ko agad ‘to sa nakita kong bakanteng garahe. Pagbaba ‘ko, hindi ko pa napigilan ang sarili ko na haplusin pa muna sandali ‘yon sa sobrang mangha pa rin.

“Ang astig mo talaga!” Puri ko pa rito at hinanap ko na agad ‘yong front door nitong bahay ni Bossing.

Habang hinahagilap ko ‘yon, napapalibot pa rin ang paningin ko sa paligid nitong bahay niya. Dito pa lang sa labas, ang laki at ang luwang na, pa’no pa kaya sa loob?

Ang luwang at ang aliwalas nitong frontyard niya!

Pero teka, hindi ko yata mahanap ‘yong front door niya, ah.

Nakailang minuto pa yata bago ko natagpuan ‘yon, tsk.

Pagtapat ko sa nakasaradong pinto, sinipat-sipat ko muna ito. Kakaiba rin kasi ‘to, eh. Para siyang heavy metal at secured na secured. Napansin ko rin ‘yong number buttons sa gilid at ‘yong pa-box na may ilaw na green. Para saan ba ‘to? Pa’no ko ba matatawag si Bossing?

Late ko nang napansin ‘yong doorbell, tss.

“Finally, you came!”

Halos mapalundag ako sa gulat nang bigla kong marinig ‘yong boses ni Bossing mula sa kung saan, mukhang pikon pa nga ang tono niya.

Napalinga muna 'ko sa paligid bago nagsalita. “B-Bossing, opo, nandito na po ‘ko!” Nas’an ba siya?

Muli akong napalingon sa pinto nang bigla naman itong mag-click at bumukas.

Ano ba naman ‘tong bahay niya? Aatakihin yata ‘ko sa gulat!

“Come in,” Dinig kong salita niya ulit. Sinunod ko na siya agad, binuksan ko na ‘yong pinto, pero dahan-dahan dahil nag-aalinlangan pa 'ko. Baka mamaya, may manggulat na naman, eh.

Nang tuluyan na 'kong makapasok, dahan-dahan kong sinara 'yong pinto. Dahan-dahan din ang ginawa kong pagpasok saka 'ko sinipat-sipat ang paligid.

"Your time was up before you finally came back here,"

Napahinto ako agad nang marinig ko ulit ang boses ni Bossing, pero this time, nasa harap ko na siya. Naka-crossed arms siya at mapang-uyam na nakatitig sa 'kin.

"Hi, Bossing! Sorry, late ako," Napakamot na lang ako sa batok, hindi ko siya matitigan pabalik dahil ang sama na naman nga ng tingin niya.

"Use that, before you finally enter my house," Utos niya bigla sabay turo sa isang bote ng alcohol na nasa pahabang estante.

"Mag-a-alcohol ako?" Maang kong tanong sabay turo rin d'on.

"Hindi, mag-lo-lotion ka! Tss," Sarkastiko niyang sagot, naiinis na naman. Napanguso na lang ako. "Of course! Do it first before you enter ny house! I don't want germs infected my haven," Angil niya pa.

Aba't—! Gan'on ba 'ko kadumi sa kaniya? Napaka-judgemental talaga nito!

Hindi na lang ako kumibo, nakaismid na sinunod ko na lang ang utos niya. Nilapitan ko na nga 'yong bote ng alcohol at naghugas ng kamay gamit 'yon.

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon