CHAPTER 43
"BABY, WAKE UP..." naalimpungatan ako sa marahang pag-gising na 'yon sa akin. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata hanggang sa makasalubong ko ang mga mata ni Bossing.
Nagtakha ako. "Anong ginagawa mo rito, Bossing? Bakit ka nanggigising?" tanong ko habang nagkukusot ng mga mata.
"Wake up... We're going somewhere," bulong niya pa sa tenga ko.
Doon na tuluyang bumukas ang mga mata ko. Hanggang sa makaupo ako ay nakatitig ako sa kaniya habang nakakunot ang noo. "Somewhere? Bossing," napasilip ako sa digital clock sa bedside table at tinuro ko 'yon sa kaniya nang makita ko ang oras. "Alas cinco pa lang ng umaga, o. Anong 'we're going somewhere' ang sinasabi mo?" Ano na namang trip ng lalaking 'to?
Napahagod naman ako ng tingin sa kabuuan niya. Aba, at nakagayak na nga siya, mukha ngang may lakad! Napakaguwapo na naman niya tuloy kahit napakaaga pa.
Nginitian niya 'ko. "Basta, bumangon ka na lang, may pupuntahan tayo,"
"Pero—Bossing!" napatili ako nang bigla niya na lang akong buhatin pa-bridal style! "Hoy, ano ba—"
"Stop asking, okay? You'll know it later," aniya at dinala ako sa tapat ng banyo rito sa kuwarto ko. "Take a bath now, okay? Or you can only wash your face. You're still beautiful even without taking a bath," sabi pa niya pagbaba sa akin doon sabay kindat. Tinulak pa niya ako papasok ng banyo nang hindi pa rin ako tumatalima, nawiwindang pa rin kasi ako sa inaakto niya ngayon. "Go now! I'll get you in fifteen minutes!" at lumabas na siya ng kuwarto ko.
Maang na napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Ano ba talaga ang trip ng lalaking 'yon? Ang aga-aga, eh!
Nang maalala ko ang sinabi niya na babalikan niya ako in fifteen minutes, dali-dali na nga akong pumasok sa loob at naligo.
Habang naliligo, iniisip ko pa rin kung saan niya kaya ako dadalhin ng ganitong kaaga? Alam ko, may topak talaga 'yong si Bossing, pero hindi ko naman akalain na ganito kalala!
Sampung minuto lang yata ang tinagal ko sa paliligo. Nang magbihis ako, isang simpleng skinny jeans at plain baby blue t-shirt lang ang sinuot ko with matching navy blue converse shoes ko. Kung may lakad man kami, ito lang naman ang natural na get up ko, eh.
Bago pa man siya makabalik sa kwarto ko ay tapos na ako. At pagbukas na pagbukas ko ng pinto, sakto naman na bumungad na siya ulit sa harapan ko, parang kakatok na nga sana siya pero naunahan ko.
Nakangiting hinagod niya agad ako ng tingin. "Good! Now, shall we?" at inilahad na nga niya ang kamay niya sa akin, inaanyayahan ako na hawakan 'yon. Nakangiting tinanggap ko naman 'yon at magkahawak kamay kami hanggang sa pagbaba.
Dire-diretso kami ng labas sa bahay niya, hanggang sa makarating kami sa garahe. 'Yong BMW na sasakyan ang nilapitan niya na sa tingin ko, ay gagamitin namin.
"Get in," anyaya niya pagbukas niya ng pinto sa passenger seat, sinenyasan na rin niya akong sumakay.
Pero hindi ako tuminag, nahihiwagaan pa rin akong tinitigan siya. "Aminin mo na nga, Bossing, kung anong nangyayari. Saan ba talaga tayo pupunta?" naninitang tanong ko na sa kaniya habang nakapameywang.
Hindi ko talaga maisip kung saan kami pwedeng pumunta ng ganitong kaaga, eh. Ni hindi pa nga sumisikat ang araw, o! Napakadilim pa ng paligid.
"Bossing, nakatulog ka ba ng maayos kagabi? Baka naman napuyat ka tapos dinadamay mo lang ako ngayon, ah? Ang sarap ng tulog ko—"
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...