CHAPTER 11
HINDI KO na-locate ang IP address ng nagpadala ng note na 'yon kay Bossing. Umabot pa nga sa punto na kinopya ko na lang sa isang flashdrive ang system ng PC niya para maasikaso ko hanggang pag-uwi.
Napuyat pa nga 'ko kakaasikaso n'on, eh. Kaso, wala rin akong napala.
"Masyadong mahirap i-locate ang IP address ng nagpadala sa inyo n'on, Bossing. Strongly protected 'yong system nila kaya ang hirap mapasok. Kung gusto mo, lalapit ako sa mas bihasa para mahanap 'yon?" Balita ko kay Bossing kinabukasan nang nasa byahe na kami patungong Empire.
"No need to do that," Aniya sabay buntong hininga. "If they don't want to be easily detected, then be it. Mahuhuli at mahuhuli rin naman natin sila later on."
"Ang bilis niyo namang sumuko, Bossing?" Kantyaw ko nga sa kaniya.
At inasahan ko na ang sama ng tingin niya sa 'kin. "I'm not giving up! I am just letting it pass so we won't just focus on that shit. Mamaya, kakahanap natin sa pinanggalingan n'on, naiisahan na pala tayo." Giit niya.
Napatango-tango na lang ako. Sa bagay, may point siya.
So, wala rin palang saysay ang pagpupuyat ko kagabi dahil d'on?
Tss.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa Empire.
Pinagbuksan ko agad siya ng pintuan sa passenger seat pagbaba ko, kailangan ko na talagang masanay sa ganitong trabaho.
Pagbaba niya, as usual, tuloy-tuloy lang siya at nilagpasan lang ako. Mabilis ko na lang na binitbit ang mga gamit niya at sumunod na nga sa kaniya kaagad.
"Good morning, Sir!"
Sunod-sunod ang bati sa kaniya ng mga empleyadong nakakasalubong namin, pero ni isa sa mga 'yon, wala siyang binati pabalik o tinapunan man lang ng tingin. Naka-poker face lang talaga siya at diretso sa paglalakad.
Pagkatapos namang nilang bumati kay Bossing, sa 'kin naman lilipat ang pansin nila. Nagtataka siguro sila kung bakit may bago. Ako na lang ang ngumiti sa kanila sa pang-i-snob sa kanila ni Bossing.
"Good morning, Sir!" Salubong naman ni Kuya Nelson nang makarating na kami sa office niya.
Sumaludo ako kay Kuya Nelson nang ngitian niya 'ko bilang bati rin.
Pagdating sa opisina ni Bossing, sandali lang silang nag-usap ni Kuya Nelson. Malamang, tungkol na naman sa trabaho. Hindi ko nga alam kung bakit sumama pa 'ko sa loob, eh, wala naman akong gagawin d'on.
Matapos nilang mag-usap, lumabas na rin kami ng opisina niya nang magsimula na agad siyang magtrabaho.
Pagdating naman namin sa pwesto namin, naging busy din agad si Kuya Nelson. Ang daming niyang binabasa at inaasikaso sa computer niya, ang hirap istorbohin.
At dahil wala naman akong ibang gagawin dito, nilabas ko na lang ang cellphone ko para maglaro.
"Kuya Nelson," Marahang tawag ko sa pansin nito. Sinulyapan niya naman agad ako. "May Wi-Fi ba rito?" Tanong ko kapagkuwan.
"Oo naman! Bakit?"
Natuwa ako sa narinig. "Totoo? Alam mo 'yong password?"
Tumango siya. "Oo, ko-connect ka ba?"
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...