CHAPTER 37

151 3 1
                                    

CHAPTER 37

"HI, BOSSING! I miss you! Kamusta ang maghapon mo?" impit ang tili kong pangungumusta sa kaniya ngayong magka-video call kami. Linggo kasi ngayon kaya narito ako sa amin ngayon. Ayaw ko nga sana siyang iwan, kaso hahanapin naman ako ng pamilya ko.

Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ng hapunan, nagpaalam na kaagad ako kina Pappy na matutulog na saka ako dali-daling tumakbo patungo rito sa kwarto ko. Puro text lang kasi ang nagawa namin kanina, eh. Maghapon ko kasing kasama si Mammy sa shop. Hindi ko siya matawagan dahil paniguradong i-intrigahin na naman ako ng Nanay kong 'yon, baka mabunyag pa nila agad ang relasyon namin.

"I'm not fine, I missed you the whole day," sagot niya sabay nguso. "Look, I have your pillow here with me. I took it from your room to hug in my sleep as if it's you," aniya pa at pinanggigilan nga ang unan ko na yakap niya.

"Aww, kawawa naman ang Bossing ko! 'Wag kang mag-alala, bukas na bukas, bibigyan agad kita ng super-duper power hug ko!" pang-aalo ko naman sa kaniya na siyang ikinangisi niya. "Matutulog ka na ba?"

Umiling siya. "I'm not sleepy yet. I'm just here because I have nothing to do anymore downstairs. My house feels so empty without you..." nalungkot naman nga agad ang mukha niya, pero siya 'yong nalungkot na nga pero napakagwapo pa rin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na siya. Ang swerte ko talaga.

"Kung nand'yan lang ako, nahalikan na kita! Ang cute mo, eh!" natatawa kong sabi saka ako umasta na kunwari ay pinanggigigilan ko siya.

"I can't wait for that kiss tomorrow," sagot niya na talagang humalik pa sa screen! Ang landi talaga ng lalaking 'to! Ako naman ang napangisi sa kakulitan niya. "How about you? Are you going to sleep now?"

Umiling din ako. "Siyempre, hindi pa. Kausap pa kita, eh. Girlfriend duty muna bago tulog. Pero sabi ko kina Pappy kanina matutulog na 'ko," mas napangisi ako sa kwento ko sa kaniya.

"Your bad, you're lying now to your parents,"

Napanguso rin agad ako sa sinabi niya. "Ikaw naman ang dahilan ng pagsisinungaling ko, eh,"

"So, you're telling me that I'm a bad influence to you?"

"Hmm?" kunwari nag-isip muna ako ng isasagot. "Oo?"

"Tss! You're really bad," aniya saka ako sinamaan ng tingin na tinawanan ko lang. "Secretary Nelson will finally come back tomorrow. You're not my secretary anymore," aniya na pareho naman naming ikinasimangot ngayon.

"Oo nga, eh. Pero ayos lang, babalik naman na si Kuya Nelson, eh. Na-mi-miss ko nang magkaroon ng kakampi at mabait na superior," sagot ko.

"You're that close to him, huh? Should I not accept him again?" masungit niyang sabi sabay taas ng isang kilay.

"Ang OA mo, ah! 'Wag mong sabihin na nagseselos ka rin kay Kuya Nelson? Ang laki kaya ng utang na loob ko r'on dahil siya ang nagpasok sa akin sa Empire. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko mahahanap ang tunay na pag-ibig ko," wika ko sabay kindat sa kaniya.

"Nah, be more thankful to the thief that you were catching that night. We won't bumped to each other if it wasn't because of him," pagtatama naman niya.

"Ah, oo nga! Sige, minsan, dadalawin ko siya sa kulungan para pasalamatan. Sana lang nand'on pa siya," pamimilosopo ko naman, bumusangot naman agad ang mukha niya.

"I really hate like your sense of humor,"

"Ayos lang, love mo naman ako, eh!" banat ko naman sabay pakita sa kaniya kung paano ako kiligin. Naitakip naman niya bigla sa mukha niya 'yong unan niyang hawak para siguro itago ang pagtawa niya kaya mas lalo akong natawa.

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon