CHAPTER 41

123 2 0
                                    

CHAPTER 41

"MAEL!" tawag ko kay Mael nang makita ko siya nitong tanghali ng Linggo paglabas ko ng bahay, hindi ko alam kung saan ito galing. Alam kong wala itong duty ngayon.

Agad naman itong napahinto at nilingon ako. "Uy, George..." anito na nakakapanibago dahil parang ang tamlay ni loko, hindi pa nga makatingin sa akin ng diretso. Anong problema nito?

"May pupuntahan ka ba? Alam kong wala kang duty ngayon. Puwede ba tayong mag-usap?" kapagkuwan ay diretsong tanong ko rito.

"Bakit gusto mo 'kong makausap?" tanong naman nito pabalik.

"May sasabihin sana ako sa 'yo," tugon ko.

"Ah, gan'on ba?" sabi lang nito na parang gusto pang mag-alinlangan.

Yayayain ko na sana ito sa kung saan nang biglang makuha pareho ang atensyon namin nang bumukas ang gate ng bahay nina Marika at niluwa ito roon, katapat lang kasi nito ang sa amin. Parang nagulat pa nga ang loka nang makita kami ni Mael.

"I-Isasama ba natin si Marika?" biglang tanong naman sa akin ni Mael.

"Ha?" reaksyon ko. Siya lang sana ang sadya ko dahil may kaugnayan kay Bossing ang sasabihin ko sa kaniya, pero baka magtampo naman itong isa ngayong nasa harap na nga namin at lalakad kami ng kami lang dalawa. Tampurista pa naman 'yan. "Ah, puwede naman. Uy, Marika! Ano, sama ka? Libre ko!" alok ko na nga.

Pero nagulat ako sa naging sagot nito. "Ahmm, pass muna ako ngayon, beshy. May pupuntahan din kasi ako. And I think... the two of you should talk alone. Bye!" at dali-dali na nga itong sumakay sa sasakyan na nasa harap ng bahay nila at pinaandar agad 'yon paalis. Nakamaang na napasunod na lang ako ng tingin sa papalayong sasakyan nito.

"Aba, himala! Tumanggi sa gala ang babaeng 'yon!" gulat na reaksyon ko nga malaunan. Ngayon lang kasi talaga kami tinanggihan n'on. Dati-rati, 'yon pa ang nagpipilit na gumala kami. At ang mas nakakagulat pa, tinanggihan niya ang pagyayaya ni Mael!

"Eh, may pupuntahan nga raw siya," komento naman ni Mael na parang naringgan ko pa ng pagkadismaya sa tono kaya napalingon ulit ako rito.

"Anong ibig sabihin ni Marika sa sinabi niya? Gusto mo rin ba 'kong makausap?" tanong ko.

Napakamot naman sa batok ang loko. "Ahmm, oo. Gusto rin sana kitang makausap. Saan ba tayo?"

"Saan mo ba gusto?" binalik ko rito ang tanong.

"Kahit saan na lang, ikaw na bahala," pero 'yon lang ang sagot nito kaya napatitig ako rito ng nanghihinala. Ano bang problema ng mga kaibigan ko ngayon?

Naglakad na lang kami dahil sa kainan nina Ate Melva lang naman kami pupunta na ilang bahay lang ang layo mula sa amin. Paborito kasi namin ang streetfoods doon mula pa noong college kami. Noon, halos araw-araw kaming kumakain ng miryenda roon at siyempre, laging libre nila ni Marika, nakikikain lang ako.

"Kumuha ka na! Ano bang gusto mo?" sabi ko kay Mael nang nasa kainan na kami nina Ate Melva. Ang tagal kong hindi nakakain ng mga pagkain dito kaya natatakham na naman tuloy ako!

Si Bossing kaya mayayaya ko sa ganito? Subukan ko nga minsan!

"Kahit ano na, busog pa naman ako," sagot naman ng loko.

"Nakakaloko naman ang mga sagutan mo ngayon, Mael! Ayos ka lang ba?" sita ko na sa kaniya nang mainis na ako sa pagkatamlay niya ngayon.

Tipid naman itong ngumiti. "Loko, ayos lang ako. Kakakain ko lang kasi sa bahay," giit pa niya.

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon