CHAPTER 21
"OPO, SIR Johnny, ngayon na po bago pa mag-alburoto 'tong amo natin—Opo, sige po, salamat!" at binaba ko na ang cellphone ko pagkatapos n'ong tawag.
Tinawagan ko si Sir Johnny para sunduin kami rito kung saan kami nakahinto ngayon. Si Sir Johnny ang caretaker ng mga sasakyan ni Bossing sa Empire. Mabuti na lang at malapit lang kami sa may arko ng isang bayan sa Cavite kaya nasabi ko sa kaniya kung nasaan kami mismo ngayon.
Nag-suggest ako kay Bossing kanina na mag-bus na lang kami pabalik, kaso ayaw niya. Malamang, kasi hindi nga naman siya sumasakay sa pampublikong sasakyan. At isa pa, madalang lang din ang dumaraan dito kaya paniguradong aabutin rin kami ng siyam-siyam sa paghihintay kahit pa pumayag siya.
"Fuck you!" nagulat ako sa biglang pagmumura na 'yon ni Bossing, galit na galit siya.
Kaya napalingon ako sa kaniya sa backseat at nakita ko na may kausap na pala siya sa cellphone. "You'll gonna pay for this big time once I hunt you down, you asshole—Yes! Try a little bit more and I swear to you, I'll kill you!" at halos ibato niya ang cellphone na hawak pagkatapos n'on. Halos mamula na ang mukha niya sa sobrang galit.
Napalunok ako.
Nandito na kami sa sasakyan, bumalik kami rito kanina nang masiguro ko na wala na nga ang mga walahiya na humahabol sa amin.
Nagtataka talaga ako kung bakit biglang nagsitakbo paalis ang mga 'yon, eh. Kung kailan init na init na akong makipagbakbakan, saka sila biglang umalis.
Sa tingin ko, tinakot lang talaga nila kami, eh. O kaya, talagang hindi lang nila kami pinatuloy roon sa business conference.
"Ah, Bossing..." nag-alangan pa ako sandali kung magsasalita ba ako o hindi. "Natawagan ko na si Sir Johnny, sinabihan ko na siya na sunduin tayo rito at papunta na siya ngayon. Natawagan ko na rin 'yong staff doon sa business conference na hindi na tayo matutuloy. Ang mahalaga naman, naipadala na natin kahapon 'yong sponsorship mo sa kanila," balita ko sa kaniya.
Pero hindi siya nagsalita, nanatili lang siyang tahimik doon at tumanaw na naman sa labas ng sasakyan.
Naku, na-warshocked na yata talaga 'tong si Bossing, ah?
Kanina, grabe talaga ang bawat sigaw niya na mamamatay na raw siya. 'Yon ang unang beses na nakita ko siyang takot na takot. Nawala bigla ang awra niyang malakas at istrikto noong mga sandaling 'yon.
Tapos, nang dahil sa ginawa kong paghalik sa kaniya kanina para patahimikin siya, hanggang ngayon, tahimik siya. Hindi ko alam kung pati ba 'yon nakadagdag sa nerbiyos niya kaya hanggang ngayon ay ganyan siya.
Pero grabe naman kung naapektuhan nga siya dahil sa ginawa ko. Imposible namang binigyan niya 'yon ng big deal, 'di ba? Para sa 'kin, wala lang 'yon. Kung hindi lang talaga kami nalagay sa alanganin, hinding-hindi ko gagawin 'yon!
"Bossing, 'yon na naman ba ang tumawag? 'Yong kausap mo kanina?" tanong ko sa kaniya ilang sandali.
Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya bago sumagot ng sobrang tipid. "Yes,"
Napapalatak ako kahit na alam kong 'yon naman talaga 'yon. "Walanghiya talaga 'yan, 'no? Ano nga kaya talaga ang gusto n'yan sa 'yo at ginaganito ka? Oo, hindi nga nila tayo gustong patayin kanina, pero hanep! Hindi nakakatuwa 'yon, ah! Iba na 'yong pananakot na ginagawa nila!" bulalas ko para may topic man lang kami.
Pero totoo rin naman. Hindi na talaga nakakatuwa ang ginagawa nila. Hindi nakakatuwa ang ganoong bagay na laro lang kung ituring nila.
"He's gonna pay for this once I caught him," malamig niyang sabi kaya napalingon ulit ako sa kaniya. Mahigpit ang hawak niya sa bote ng alcohol na binigay ko kanina habang halos lumiyab na ngayon ang mga mata niya sa galit.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...