CHAPTER 4
GEORGE
"NAHULI na raw 'yong magnanakaw?"
Natigilan ako nang sabihin 'yon ni Ate Felyn habang sabay-sabay kaming kumakain ng umagahan.
Palihim akong napangiti. So, alam na pala nila?
Hindi rin ba nila alam na ako lang naman ang dakilang bayani na nakahuli sa tarantadong 'yon?
Well, hindi ko na siguro kailangang sabihin pa sa kanila 'yon. Kasi, 'di ba, ang mga superhero, hindi nila ni-re-reveal ang kabutihang ginagawa nila.
Tama, tama!
"Oo nga raw, kaninang alas cinco. Nahuli raw sa akto r'on sa bahay nina Hilda. Walang 'yang 'yon, napakarami pala niyang nabiktima!" Komento naman ni Mammy.
Bigla ring nangunot ang noo ko.
Ha? Alas cinco?
"Wala na talagang pinipili ang krimen. Lahat na lang ng bagay, maaari nang gawan ng krimen." Komento naman ni Pappy na napapalatak pa. Bilang pulis, siyempre, 'yon ang pinakaayaw nila.
"At 'eto pa raw, ha?" Salita na naman ni Ate Felyn na akala mo talaga chismosa. "Bakla pa raw ang loka! Huh! No wonder, kaya mga branded at well-known ang ninanakaw para makasubok man lang siguro siya ng sosyal! Tsk, tsk, tsk! Nakakaawa lang. Kaya hahayaan ko na sa kaniya 'yong nakuha niya sa 'kin!" Napailing-iling pa siya.
Nanigas ako sa kinauupuan ko at napamaang kina Ate Felyn at Mammy.
T-Teka... B-Bakla? Hindi naman bakla 'yong nahuli ko, ah? Gwapo pa nga 'yong hinayupak na 'yon, eh! Ganda pa ng kutis! Kaya nga kung iba-base mo lang sa hitsura niya, hindi halatang gagawa 'yon ng gan'on, eh.
Bakit ba parang may mali sa sinasabi nila?
Alas cinco raw kaninang madaling araw nahuli, eh, kagabi ko nahuli 'yon!
"I said I'm not a thief! What the heck, I can't do that! Do you think I'm crazy to do that nonsense, huh?!"
Hindi kaya... Hindi kaya ako ang nagkamali?
"Sh*t!" Inis na sambit ko.
Pa'no kung ako nga 'yong nagkamali?
"Ano 'yon, George? Sinong sini-'sh*t'-'sh*t' mo r'yan, ha?" Sita sa 'kin bigla ni Ate Felyn.
Gulat akong napalingon sa kanila, nasa 'kin na ang pansin nilang lahat. "Ha? A-Ah..." Ano ba naman 'to?! "A-Ah, wala! May... May bigla lang akong naalala," Palusot ko. Bahagya na lang akong napayuko at napaisip ulit.
Paano kung nagkamali nga lang ako ng napagbintangan?
Pero siya 'yon, eh! Kitang-kita ko! Hinabol ko pa nga, 'di ba? Saka tugmang-tugma pa ang suot niya r'on sa magnanakaw na hinabol ko, naka-jacket ng itim. Hindi ako pwedeng magkamali! Ang talas kaya ng paningin ko!
Pero bakit iba ang dinedetalye nina Ate Felyn at Mammy ngayon tungkol sa magnanakaw na 'yon?
Bigla ring pumasok sa isip ko 'yong sobrang pagtanggi n'ong lalaking 'yon sa pag-aakusa ko sa kaniya kagabi. Itinatanggi niya talaga na siya 'yong magnanakaw!
Pero wala namang kriminal na umaamin kaagad sa nagawa nilang krimen, di ba?
Pero baka nga nagkamali talaga 'ko ng napagbintangan? 'Yong hitsura niya... 'Yong pa-english-english niya...
"What—Hey! Where are you going, ha?! Comeback here, you crazy! I'm not a thief! Get me out of here or else you'll going to regret this day for the rest of your life!"
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...