CHAPTER 16

146 3 0
                                    

CHAPTER 16

GEORGE

"GOOD MORNING, Bossing!" Masiglang bati ko kay Sir Lucas nang makalabas na siya ng kwarto niya, bihis na bihis na.

Napahinto siya sandali at napatitig sa 'kin, nginitian ko naman siya ng matamis.

"Tara na po sa dining, breakfast is ready!" Anyaya ko na rin sa kaniya.

Hindi na siya nagsalita, nagtuloy na lang siya sa pagbaba.

Nakahinga ako ng maluwag nang nakasunod naman pala siya sa akin dito sa dining. Akala ko, isang araw lang akong nawala, balik na naman kami sa dati, eh.

Kaya mas lalo akong napangiti. Naihain ko na ang mga pagkain sa mesa, pinaghila ko pa nga siya ng upuan niya.

"Kamusta ang araw mo kahapon, Bossing?" Pagkausap ko sa kaniya nang magsimula na kaming kumain.

"No need to ask, I'm always fine," Matabang lang niyang sagot.

"You're always fine na mag-isa?"

"What?" Inis na komento niya agad. Bulong ko lang sana 'yon, eh. Narinig pa rin pala niya?

"Ah, I mean po, ayos na ayos ka lang bang mag-isa rito kahapon?" Palusot ko.

"I'm all good," 'Yon lang at nagpatuloy na siya sa pagkain.

Pero napatitig pa rin ako sa kaniya.

Ayos lang talaga siya na mag-isa rito maghapon? Paano kaya kapag nakakaramdam siya ng lungkot, ano kaya ang ginagawa niya? Anu-ano kaya ang mga pinagkakaabalahan niya rito maghapon habang mag-isa?

Kahapon nga, kahit kasama ko ang pamilya ko, hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Siyempre, iniisip ko pa rin ang kalagayan niya. Lagi ko ngang inaabangan ang tawag niya, baka lang kailanganin niya 'ko. Pero wala akong natanggap maghapon.

Nauna siyang natapos kumain kaysa sa 'kin, wala na namang paalam na iniwan niya 'ko rito. Sandali akong napasunod ng tingin sa kaniya at tinapos ko na rin ang pagkain ko.

Nasa byahe na kami papuntang Empire nang may bigla akong maalala.

"Oo nga pala, Bossing," Inabot ko sa dashboard ng sasakyan 'yong isang box ng macaroons na pinabibigay sa kaniya ni Mammy. "Pasalubong ko pala para sa 'yo," At saka ko 'yon inabot sa kaniya sa backseat.

Medyo kinabahan ako ng slight dahil akala ko, hindi niya 'yon tatanggapin. Pero mali, dahil inabot kinuha niya rin.

Kaya napangiti ako at sandaling napasilip sa kaniya sa rearview mirror.

"'Yan din 'yong macaroons na binili natin noong nakaraan. Galing 'yan sa Mammy ko, sadya niya pang niluto 'yan kahapon para sa 'yo." Kwento ko sa kaniya.

Nahuli ko naman 'yong paglingon niya sa 'kin. "So, you owned that shop?"

Umiling ako. "Sa Mammy ko po, business niya. Kaya nga po r'on ko kaya dinala noon dahil alam kong magugustuhan niyo ang mga sweets niya," Kwento ko pa.

"Tell your Mom, thank you,"

Halos manlaki ang mga mata ko sa narinig, gulat pa 'kong napatitig ulit sa kaniya sa rearview mirror. Pero nasa iPad na niya ang pansin niya ngayon.

Tama ba 'yong narinig ko? Nag-thank you siya? Talaga?!

Oo, sabihin na nating hindi para sa 'kin 'yon, para raw kay Mammy, pero big deal 'yon sa 'kin! First time ko yata siyang narinig na magsabi n'on.

Kaya pagdating namin sa Empire, good mood ako. Nakakapanibago nga lang kasi walang Kuya Nelson na nakaabang sa pagdating namin kasi nga, ako na ang secretary ngayon.

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon