CHAPTER 45

126 2 0
                                    

CHAPTER 45

MAAGA akong nagising para sa araw na ito. Ito na ang araw na pinakahihintay namin—ang launching ng new toy collection na ilalabas ng Empire.

Kasama pa rin ako sa nag-asikaso n'ong mga aayusin sa event, kasama ko si Kuya Nelson, kaya kailangan kong pumunta ng maaga roon.

Pero hindi ako lumarga hangga't 'di ko napagsisilbihan ang prince charming ko. Bago tumuloy sa aasikasuhin ko, ipinagluto ko pa muna siya ng almusal. At siyempre, matinding energy ang makukuha niya kasi puno 'yon ng pagmamahal ko!

Sabay na rin kaming kumain, maaga rin kasi ang punta niya sa opisina. Doon muna siya bago dumiretso sa venue ng launching. Ako rin ang naghatid sa kaniya sa Empire.

"Sige na, Bossing, aalis na 'ko. Nand'on na si Kuya Nelson, eh. Hinihintay na ako," paalam ko na sa kaniya pagkahatid ko sa kaniya sa opisina niya.

Pero hindi pa man din ako nakakatatlong hakbang nang hulihin niya ang kamay ko sabay hila sa akin pabalik sa kaniya. Halos sumubsob tuloy ako sa dibdib niya, buti nasalo niya agad ako.

"Bossing..." ungot ko pero nakangisi.

"You forgot something, woman..."

Nangunot ang noo ko. "Ha?"

"This," at mabilis niyang sinapo ang mukha ko para siliin ako ng halik, na agad ko rin namang ginantihan.

Ako na ang bumitaw, tinulak ko pa siya palayo kasi parang ayaw pa niya. Natawa na lang ako. "Pwede namang mamaya na lang 'yon, babalikan pa naman kita rito, eh. Pinaaga mo 'yong goodluck kiss ko sa 'yo!" at pareho na kaming natawa sa isa't isa.

"Sige na, aalis na talaga 'ko. Babalikan kita mamaya, ako rin ang maghahatid sa 'yo r'on, okay?" wika ko sa kaniya.

Sumaludo naman siya sa 'kin. "Copy, baby!"

Napangisi na naman tuloy ako. "I love you!" at nagsimula na akong lumakad paatras.

Sinalo naman niya bigla ang dibdib niya na parang may tumama r'on. "I love you, too!" at natawa na lang ulit ako sa kakulitan niya. Nag-finger heart pa nga siya sa akin!

Nang tuluyan na 'kong nakarating sa pintuan, binuksan ko ito pero hindi pa muna 'ko lumabas. Binigyan ko pa muna siya isang flying kiss. Mabilis naman niyang inangat ang kamay niya para hulihin kuno 'yong halik ko, na agad din niyang dinala sa mga labi niya. Feel na feel pa nga! Ang kulit niya!

Para hindi na magtagal pa, tuluyan na nga akong lumabas ng opisina niya. Napailing-iling na lang ako nang mawala na siya sa paningin ko.

Bumalik na nga 'ko sa sasakyan para magtungo na sa event's place.

Pagdating ko roon, nand'on na nga si Kuya Nelson. Sinisimulan na ng mga tao ang pag-aayos. Mamayang alas dies pa naman ang launching.

"NAGDADATINGAN na ang mga bisita!" dinig kong wika ni Kuya Nelson pagpasok niya rito sa backstage. "Ayos na ba ang gagawing presentation sa new collection?"

Tumango ang babaeng staff na naka-aasigned doon. "Opo,"

Heto na talaga.

Ilang sandali ay nag-vibrate na ang cellphone ko mula sa bulsa. Agad ko namang dinukot 'yon at binasa ang message na natanggap ko.

My Bossing ❤️:
Fetch me now.

Nang ma-received ko ang text ni Bossing ay agad ko nang nilapitan si Kuya Nelson para magpaalam sa pag-alis ko.

"Kuya Nelson," tawag ko sa pansin nito. Nilingon naman agad ako nito. "Aalis na 'ko, ha? Susunduin ko na si Bossing. Nagpapasundo na, eh,"

"Oo, mabuti pa nga. Nagsisidatingan na ang mga tao, eh. Kalahating oras na lang din, magsisimula na ang event. Para makapaghanda pa siya," anito at napatango na lang ako bago tuluyang umalis. Nagtungo na nga agad ako sa sasakyan para sunduin na si Lucas.

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon