CHAPTER 12

146 3 0
                                    

CHAPTER 12

"DON'T WORRY, Mr. Sevilla, it's just a scratch. Good thing, it wasn't a shot by a real gun at daplis lang. Dahil kahit metal pellet gun lang ang gamit ng may gawa n'yan sa 'yo, it can also harm you," Paliwanag ni Doc Isaac kay Bossing matapos nitong tingnan ang sugat niya. Binalingan naman nito 'yong Nurse sa tabi niya. "Make sure you disinfect it very well as Mr. Sevilla wished, okay?"

"Yes, Doc!" At nagsimula na nga itong linisin 'yong maliit na sugat ni Bossing.

"I'll leave you now, Mr. Sevilla." Paalam na agad ni Doc Isaac.

Tinanguan ito ni Bossing. "Thanks, Doc." Sabay iwas agad ng tingin. Wala man lang ngiti, parang 'di sincere!

Hindi ko napansin kanina na rito pala sa ospital na pinagtatrabahuhan niya kami napunta. Sobrang unexpected ng lahat ng 'to, lalo na nang makita ko ulit siya makalipas ang isang taon.

Aalis na nga sana si Doc Isaac nang habulin ko siya.

"D-Doc Isaac!"

Agad naman niya 'kong nilingon at nginitian nang makita ako. "I'm happy to see you again, George, by the way." Aniya.

Mariin kong napaglapat ang mga labi ko para pigilan ang labis na pagngiti.

Masaya raw siyang makita ako ulit!

"Ako rin, Doc. Masaya 'ko na makita ka ulit!" Sagot ko, titig na titig sa kaniya.

Bakit gan'on? Bakit parang mas lalo pa siyang gumwapo? Isang taon lang siyang nawala pero parang mas dumami pa ang magagandang bagay na nakikita ko sa kaniya ngayon.

Pero 'yong ganda ng ngiti niya, gan'on pa rin, hindi nagbabago. Pinabibilis pa rin nito ang tibok ng puso ko.

"K-Kailan ka pa nakabalik? A-Alam ba ni Ate? Bakit 'di ko nabalitaan?" Tanong ko sa kaniya malaunan.

Nakangiti pa rin siyang tumango. "Last week lang. At oo, alam ng Ate Thery mo. Noong nakaraang araw lang yata kami nagkita rito? Alam mo naman ang buhay rito sa ospital, masyadong busy, and magkaiba pa kami ng ward, that's why." Kwento niya.

"Gan'on ba? Hindi ko pa rin kasi naaabutan si Ate na umuwi sa bahay, kaya hindi pa niya nasasabi." Wika ko.

"Yeah, maybe," Sang-ayon naman niya. "How are you, George? Isang taon din tayong 'di nagkita!"

OMG! Kinakamusta niya 'ko!

Kinikilig na naman tuloy ako ng sobra!

"O-Oo nga, Doc, eh. Na-miss kita!" Ngiting-ngiting sagot ko.

Pero agad ding nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa mga salitang nasabi ko.

Ano ka ba, George? Masyado kang nagpapadala sa kilig mo, eh! Pa'no 'pag nahalata ka n'yan! Nakakahiya!

Gusto kong batukan ang sarili ko, naitikom ko na lang bigla ang bibig ko at nag-iwas ng tingin.

Pero tila awit sa pandinig ko nang marinig siyang ngumisi. Kaya mabilis ding napaangat ulit ang tingin ko sa kaniya.

Kitang-kita ko ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin sa ngisi niyang 'yon, pati na rin ang nakaka-in love niyang mga dimple sa pisngi... hay! Napakagwapo niya talaga!

"Na-miss din kita... lalo na ang kakulitan mo." Sagot pa niya malaunan.

Tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Parang may nagpuputukang mga fire works sa paligid at kami lang dalawa ang narito.

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon