CHAPTER 29
ALAS SAIS y media ng umaga nang pasukin ko si Bossing sa kwarto ko. Doon kasi namin siya dinala nang mawalan siya ng malay kagabi. Hindi ko na siya inuwi sa bahay niya, sabi kasi ni Mammy 'wag na. Doon naman ako natulog sa kwarto ni Ate Thery since hindi naman ito umuwi.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok. Naabutan ko naman siya na gising na at tila nililibot niya ng tingin ang buong kwarto ko. Nakatayo siya ngayon sa dingding kung saan naroon ang isang malaking frame na may mga drawings ko mula elementary hanggang college.
"Bossing, gising ka na pala," kuha ko sa atensyon niya.
Nilingon niya ako sabay turo roon sa mga drawings ko. "Are these your works?" tanong niya.
Tumango ako. "Oo, hobby ko 'yan mula pa noong elementary ako," sagot ko saka ako lumapit sa kaniya para titigan din 'yon. "'Yong iba r'yan, mga napanood kong animé noon. Pero 'yong iba r'yan, kathang-isip ko lang. Alam mo ba kung ano ang inspirasyon ko noong ginuguhit ko 'yan?"
"What?"
Nakangiti ko siyang nilingon. "Balang araw, makakapag-design din ako ng sarili kong laruan. 'Yong action figure na ako mismo ang nag-design,"
"You want to design your own action figure toy?" hindi makapaniwalang komento niya sa sinabi ko.
Tumango ulit ako saka ko itinuro sa ang isang malaking cabinet sa tabi ng closet ko. "At sa mga 'yon naman nagsimula ang pangarap ko,"
Sinundan niya ng tingin ang tinutukoy ko, at halata ang gulat sa kaniya nang makita kung ano 'yon. Lumapit siya roon at tinitigan ang naroon. "Are these Rollick Empire's toys?"
"Oo, 'yan ang munting collection ko, Bossing," tugon ko nang sundan ko siya. "Lahat 'yan, gawa ng kumpanya mo. Actually, dito sa laruan na 'to nagsimula ang pagkahumaling ko sa mga action figures niyo," at tinuro ko naman ang isang laruan doon na nasa tuktok ng lahat, sinadya ko talagang ilagay ito roon. "Kay Mael 'yan. Nang makita ko sa kaniya 'yan noong elementary kami, nainggit ako. Ang ganda kasi, eh. Kaya ang ginawa ko, pinuslit ko 'yan mula sa kaniya habang abala kami noon sa paglalaro saka ko inuwi rito sa bahay. Kaso, nahuli niya ako kaya nakipag-agawan siya sa akin dahil ayaw kong ibigay. Nang ayaw niyang bitawan, doon niya natikman sa unang pagkakataon ang upper cut ko! Kaya sa huli, binigay niya rin sa akin," at natawa ako nang maalala ko nga ang panahong 'yon, lalo na noong mapaiyak ko si Mael.
"Nang malaman 'yon ni Mammy, napalo lang naman niya ako ng walis tambo! Bakit daw nang-aangkin ako ng hindi akin? Hindi ko rin alam kung bakit. Basta, bigla na lang akong na-in love sa laruan na 'yan. Nang malaman din 'yon ni Pappy, pinagsabihan niya lang ako na mali raw ang ginawa ko. Tapos kinabukasan n'on, na-surprised na lang ako nang pag-uwi niya, pinasalubungan niya ako ng ganyan. Hindi lang isa, kundi buong collection ng action figure na 'yan! 'Eto 'yan, o..." at 'yong isang hilera ng limang laruan naman sa baba ng nasa tuktok ang tinuro ko sa kaniya.
"Spoiled at Pappy's girl kasi ako. Kapag may nagagawa kaming mali, si Pappy ang kabaligtaran ni Mammy. Si Mammy, medyo brutal. Si Pappy, soft spoken naman. Siya ang umaalo sa amin, lalo na sa akin na laging trip ni Mammy. Lihis kasi sa mga pambabaeng mga bagay ang hilig kong gawin mula pagkabata, lalaki rin ang gusto kong kalaro. Akala ko nga rin noon lesbian na ako, eh. Pero hindi, kasi hindi naman ako attracted sa mga babae, sila pa nga ang madalas kong nakakaaway! At saka, na-in love ako sa isang lalaki kaya hindi talaga ako lesbian," mahabang kwento ko sa kaniya.
"I didn't see you as that, too." aniya dahilan para lingunin ko siya.
"Kahit na sinaktan kita noong unang pagkikita natin? 'Yong... dinala kita sa presinto?" komento ko.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...