CHAPTER 3
GEORGE
"I SAID, let me go!" Patuloy sa pagpupumiglas ang hinayupak na magnanakaw habang kinakaladkad ko siya papasok ng presinto.
Kanina pa nga 'ko napipikon sa lokong 'to, eh. Kanina pa siya pa-english-english! Akala naman niya titiklop ako sa mga pa-gan'on-gan'on niya! Pa-sosyal ang bwisit!
Nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng presinto, d'on ko lang siya binitawan. Sinalya ko siya paupo sa harap ng desk ni Lapus, sila lang kasi ni Hilario ang nakita ko na nandito ngayon. Sinamaan pa nga 'ko ng tingin ng loko, nakipagtagisan naman ako sa kaniya. Hindi niya 'ko masisindak!
"O, ano na naman 'to, George? Ano namang kasalanan nitong taong 'to?" Nagtatakang tanong sa 'kin ni Lapus. Nagpalipat-lipat pa sa 'min ng hinayupak na 'to ang tingin niya.
Oo, kilala na nila 'ko. Hindi sa dahil si Pappy ang chief of police nila, kundi dahil sa napakaraming beses na rin akong nagpapabalik-balik dito. Hindi dahil sa nakukulong ako, ah? Kundi dahil sa maraming beses na nga rin akong nagdala ng mga pasaway rito. Tulad na lang ngayon.
"Ikulong niyo 'tong magnanakaw na 'to! Huling-huli ko sa akto, sinusungkit niya 'yong underwear na nakasampay kina Ate Hilda. Ito 'yong magnanakaw na nirereklamo ng mga kapit-bahay namin na nagnanakaw ng mga underwear nila sa sampayan at napeperwisyo ako dahil doon!" Utos ko kay Lapus habang gigil akong nakatitig sa lokong magnanakaw.
"What?!" Gulat na gulat pang bulalas nito. Tatayo pa nga sana siya, eh, pero mabilis ko rin siyang pinigilan. "W-What did you say? Me, a thief?!" Naniningkit pa ang mga mata niya habang hindi makapaniwalang nakaturo sa sarili. "Damn! I'll never do that!" Halos magwala pa siya.
"Tsk! 'Wag mo nga 'kong ginag*go, ha? Hindi ako bulag! Kitang-kita kitang nakaakyat d'on sa bakod nina Ate Hilda at kitang-kita ko kung ano ang sinusungkit mo! At saka loko ka, tinakbuhan mo pa nga agad ako n'ong sawayin kita, eh, 'di ba? Dadalhin ba kita rito kung nagsisinungaling ako?!" Pinameywangan ko pa siya. Sarap i-salya ulit nito, eh. Nakakagigil!
"Totoo ba 'yon? Ikaw nga ba talaga 'yong magnanakaw na inirereklamo ng mga taga-rito? 'Yong nagnanakaw raw ng mga underwear nila? Kasi kung ikaw nga 'yon, mapipilitan kami na ikulong ka. Mula pa kaninang umaga may natatanggap na kaming reklamo tungkol sa 'yo." At tinitigan siya ni Lapus mula ulo hanggang paa.
Bakit ba parang nagdududa pa 'to? Hindi ba siya naniniwala sa sinasabi ko?
Nangunot ang noo ko dahil d'on. "Bakit tinatanong mo pa siya ng ganyan? Sinabing siya nga 'yon, di ba? Nahuli ko sa akto! Nag-de-deny lang 'tong hinayupak na 'to, eh!" Agap ko.
"I said I'm not a thief! What the heck, I won't do that! Do you think I'm crazy to do that nonsense, ha?!" Paninindigan pa rin talaga nito sa pagkakaila. At pa-english-english pa rin talaga siya! "I stole underwears? Huh! I can even buy you a factory of it if you want!" Bulyaw niya pa sa 'kin.
At dahil talagang napipikon na nga 'ko sa isang 'to, umayos ako ng tayo at matamang nakipagtitigan sa kaniya habang nakakuyom na ang isa kong kamao sabay duro sa kaniya ng isa.
"Hoy, ikaw! Kanina pa 'ko napipikon d'yan sa pa-english-english mo, ah! Hindi mo 'ko madadaan sa paganyan-ganyan mo, loko!" Sarkastiko ko siyang nginisihan. "Hinding-hindi mo madadaya ang mga mata ko! Huling-huli ko 'yong ginawa mo kaya 'wag mo nang itanggi!" Halos sakalin ko na naman nga siya sa inis.
Lokong 'to! Ano akala niya sa 'kin? Madali niya 'kong masisindak sa mga pa-english-english niya?!
Malaunan ay napahinga ito ng malalim pero masama pa rin ang titig sa 'kin, tinaasan ko nga siya ng isang kilay.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...