CHAPTER 15

137 3 0
                                    

CHAPTER 15

MAAGA AKONG nagising kinabukasan. Hindi rin naman kasi ako nakatulog ng matiwasay kagabi. Kaya heto, puyat ako ngayon.

Paano ba naman akong makakatulog? Eh, kahit gising, parang binabangungot pa rin ako ng nangyari sa party! Hanep na magkapatid na 'yon, trauma ang inabot ko.

Kinikilabutan ako kapag naaalala ko sila. 'Yong isa, nakahalik pa sa kamay ko! Na kahit naligo ako ng maayos pag-uwi at nagkuskos ng todo, pakiramdam ko, may naiwan pa ring virus dito sa kamay ko.

Hanggang ngayon nga masakit pa rin ang mga paa ko dahil sa lintik na heels na 'yon, eh. 'Yon ang marathon na hinding-hindi ko na uulitin sa buong buhay ko!

Sana lang hindi ko na makasalamuha pa ulit 'yong dalawang 'yon. Biruin mo? Pareho pa nila 'kong ginawang anghel! Baka kinukuha na pala sila ng Itaas, isasama pa nila 'ko. Mahal ko pa ang buhay ko rito sa mundo kaya 'wag po muna.

Kaya ayoko na kay Maria Georgina kung ganoong mga lalaki lang naman pala ang mabibingwit ko!

At kagabi rin, pag-uwi na pag-uwi namin, 'yong amo ko, wala talagang pakialam sa 'kin. Nang makarating kami rito sa bahay, nagdire-diretso lang siya ng pasok sa kwarto niya at iniwan lang ako basta na dumadaing. Wala talagang malasakit!

Pero move on na, makakapag-recharge din naman ako panigurado pag-uwi mamaya sa bahay. Ngayon nga kasi ang araw ng uwi ko, 'di ba? Sa wakas, makakasama ko na ulit ang pamilya ko! Kaso, isang araw nga lang dahil kinabukasan, babalik din agad ako.

Dahil maaga nga akong nagising, tuluyan na rin akong bumangon para ayusin na 'yong ilan kong mga damit na papalitan. Siyempre, libre na nga ang pagtira ko rito, tapos dito pa 'ko magpapalaba? Hindi naman gan'on katapang ang hiya ko, 'no.

Pagkaligo ko, lumabas na 'ko ng kwarto at bumaba. Ipagluluto ko muna si Bossing bago ako umalis. Mag-isa na naman siyang kakain buong araw.

Pagbaba ko, as usual, napakatahimik ng buong bahay. Bakit ba kasi ayaw niyang mag-soundtrip man lang? Mas nakakabingi kaya ang ganitong katahimikan! Buti sa tinagal-tagal ng panahong mag-isa lang siyang naninirahan dito, 'di pa siya nababaliw 'no?

Dumiretso na nga 'ko sa kusina para magluto. Hindi ko alam kung anong oras ang gising niya kapag ganitong weekends. Basta, iiwan ko na lang dito ang mga pagkaing lulutuin ko at bahala na siya sa buhay niya.

Pagkatapos kong magluto at ayusin ang mga pagkain niya sa dining, bumalik na agad ako sa kwarto ko para kunin na 'yong bag ko.

Pero paano kaya ako makakapagpaalam d'on?

Bahala na talaga siya! Basta, uuwi ako ngayon.

Pero paglabas ko ulit, sakto namang pagpasok ni Bossing sa bahay. Mukhang galing siyang jogging sa labas dahil sa outfit niya at medyo pawisan pa siya.

So, mas maaga pa siyang nagising kaysa sa 'kin? Ang hirap talagang hulaan ng taong 'to!

"Good morning, Bossing!" Masiglang bati ko sa kaniya at dali-dali akong bumaba ng hagdan. "Saan ka galing?"

Napahinto naman siya at napalingon sa 'kin. "You're going home now?" Sa halip ay tanong niya rin sa 'kin.

"Opo, hinihintay na talaga 'ko ng pamilya ko, eh." Sagot ko. "Bossing, 'yong breakfast mo nand'on na sa dining. Pinagluto muna kita bago ko umalis," Sabi ko pa.

"Follow me first before you finally go," Aniya at nanguna na sa paglabas.

Nagtatakang napasunod muna ako ng tingin sa kaniya bago tuluyang sumunod. Saan na naman pupunta 'yon?

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon