CHAPTER 42

128 5 0
                                    

CHAPTER 42

"BOSSING! Bossing! Nas'an ka?" sigaw ko habang hindi mapakaling nililibot ko ang bahay niya para hanapin siya.

Kumaripas kaagad ako ng alis patungo rito sa bahay niya nang balutin ako ng sobrang pag-aalala para sa kaniya. Walang ibang tinutukoy ang walanghiya 'yon kundi si Bossing lang. Iniwan ko nga agad si Mael kahit panay ang tanong ng lalaking 'yon sa akin tungkol sa biglaang pagmamadali ko.

Gan'on din si Mammy nang umuwi ako para kunin 'yong motor. Dali-dali ko kasi 'yong sinakyan at binarurot paalis nang hindi nga sinasagot ang nag-aalala ring tanong nito sa akin. Mas nag-alala kasi ako kay Bossing dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. At pagdating ko nga rito sa bahay niya ay basta-basta ko na lang ding iniwan 'yong motor doon sa labas at patakbo ulit akong pumasok dito sa loob.

Nang hindi ko siya makita rito sa baba ay dali-dali na akong umakyat sa hagdan patungo sa kwarto niya.

Pabagsak kong binuksan ang pinto ng kuwarto niya para hagilapin siya roon. Pagpasok ko ay hindi ko rin siya naabutan.

"Lucas! Lucas, nas'an ka?!" tawag ko ulit sa kaniya saka ko pinasok 'yong walk-in closet niya. Lumabas din agad ako nang hindi ko rin siya nakita roon. Mas lalo tuloy akong kinabahan. "Lucas—"

"Hey! Hey! I'm here!"

Mabilis akong pumihit paharap sa kaniya nang marinig ko na ang boses niya. Halos takasan ako ng hininga sa pagsinghap nang makita ko siya sa pintuan ng banyo rito sa kuwarto niya. Halatang kaliligo niya lang dahil nakatapi lang ng tuwalya ang pang-ibabang bahagi ng katawan niya. Gulat at puno rin ng pag-aalala na nakatitig siya sa akin ngayon.

Nang matauhan ako ay dali-dali ko na siyang sinugod at niyakap ng mahigpit. Grabe... sobra talaga akong kinabahan para sa kaniya.

"A-Ayos ka lang ba, ha? W-Wala bang nagpunta sa 'yo rito? H-Hindi ka ba pinasok ulit ng kung sino? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?!" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya pagbitaw ko sa kaniya habang punong-puno pa rin ako ng pag-aalala.

"I-I'm okay, baby, don't worry," aniya. "I didn't know that you were calling. I-I'm sorry, I was in the bathroom taking a bath, then I was shocked when I suddenly heard you calling my name so I hurried going out to see you," paliwanag niya pa. "B-By the way, what's wrong? Why did you suddenly come here?" tanong pa niya at napatitig bigla sa siko ko. Napuno agad siya ng pag-aalala nang mapatitig siya roon. "W-What happened to your elbow? Why do you have a wound?"

Napasilip din ako roon, may sugat nga ako. Hindi ko naramdaman 'yon kanina, dahil siguro sa sobrang kaba na naramdaman ko para sa kaniya. "W-Wala, galos lang 'yan nang bumagsak kami ni Mael sa kalsada, niligtas niya ako kanina roon sa balak humagip sa akin," tugon ko. "T-Tinawagan ako ng nagbabanta sa 'yo, pinuntirya nila ako kanina. Ang sabi niya, pupuntahan ka rin nila kaya dali-dali nga akong nagtungo rito. Nag-alala ako dahil nga mag-isa ka lang dito..." amin ko na rin.

"Oh, goodness... this is what I'm talking about..." aniya na mas lalo pang sumilay ang pag-aalala sa kaniya.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at matamang tinitigan sa mga mata. "Ayos lang ako, Bossing. Pero ngayon, kailangan na talaga nating maging handa sa kung ano pa ang susunod nilang gagawin. Kailangan na nating pagplanuhan ngayon ang paghuli sa kanila bago pa 'to lumala..." wika ko sa kaniya.

Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang pagtutol niya sa desisyon ko. Pero alam kong sinusubukan niya na ring makiisa sa akin.

Malaunan ay napahinga na lang siya ng malalim at napatango. "Okay... but for now, let me treat your wound first. Come with me," aniya at marahan niya na akong iginiya patungo sa kama niya para roon maupo. "Wait, I'll just get a medicine kit, okay? Stay here," aniya at umalis na nga agad. Napasunod na lang ako ng tingin nang pumasok siya ulit sa banyo.

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon