CHAPTER 34

150 4 2
                                    

#SKL: Sorry! Medyo napahaba po ang chapter na ito. 5k words po. hehe! And sorry po kung hindi ako nakapag-update kahapon. Teacher duties called. 😁

CHAPTER 34

MAGANDA ang gising ko kinabukasan. Siyempre, 'no? Dream come true kaya 'yong nangyari kagabi!

Pero mas gumanda 'yon nang paglabas ko ng kuwarto ay bumungad agad sa akin ang masarap na amoy ng niluluto sa kusina. Nagutom tuloy ako bigla! Kaya mabilis ang hakbang ko patungo roon.

Pero mas natakam ako nang bumungad sa akin doon ang Bossing ko na naghahanda na ng pagkain sa mesa at bagong ligo na rin. Pati tuloy 'yong bago ng sabon niyang gamit ay humalo sa pang-amoy ko papalapit pa lang ako roon.

"Wow naman, Bossing! Himala yata na naghanda ka ng umagahan? Kasama ba naman ako r'yan?" masiglang bati ko sa kaniya. First time yata 'to, simula nang tumira ako rito, na makita ko siyang naghanda ng umagahan at gumising ng ganitong kaaga, mas maaga pa sa akin.

Halos matulala naman ako nang ngumiti siya sa akin ng pagkaganda-ganda. "Of course, these are for the both of us. Especially, for you so you can eat well before going to office," aniya.

Napakurap-kurap ako, nag-loading pa sa akin 'yong sinabi niya.

'Especially, for you,'

Hanep! Nakakawindang pala kapag ganitong bigla na lang magbabago ang lahat ng nakasanayan mo. Parang mas gusto ko pa yata 'yong dati, 'yong ako ang nagsisilbi sa kaniya. Nahihiwagaan ako sa pinapakita niya ngayon, eh.

"Come, let's eat," anyaya na rin niya malaunan. Hindi pa muna siya naupo, pinaghila pa muna niya ako ng upuan. Nang hindi ako tuminag ay nilapitan na niya ako at hinila na palapit doon matapos niyang hulihin ang kamay ko. Inalalayan pa nga niya akong maupo, at nang makaupo na nga ako, saka lang siya naupo sa katapat kong upuan.

Nilibot ko ng tingin ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Grabe, umagahan pa lang pero para na kaming nasa piyestahan. Ang dami niyang niluto! Anong oras kayang nagising 'to para rito?

"Why are you so silent? What's wrong?" tanong niya nang mapansin ang pagkatahimik ko. Hanggang sa para siyang nag-alala bigla. "Wala ka bang gusto sa mga niluto ko? Tell me, I can cook it for you. Wait—" at tatayo na sana siya nang mabilis ko siyang napigilan. Natigilan siya at maang na napatitig sa akin.

"Ano ka ba, okay na 'to. Gusto ko lahat. Sobra na nga 'to, eh. Nagugulat lang ako. May bisita ba tayo, Bossing?" komento ko.

Tila nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi ko at muling bumalik ang gwapong ngiti sa mga labi niya "No, we don't have. These are all for you, so you can gain more energy for work," aniya nang makabalik na sa upuan niya.

"Bakit, Bossing? Pahihirapan mo ba 'ko sa trabaho mamaya kaya kailangan ko ng mas maraming lakas?" tanong ko pa.

Doon na tuluyang nawala ang ngiti niya at sinamaan ako ng tingin. "Puwede bang kumain ka na lang?" pagsusungit na niya sa akin. 'Yan, 'yan ang matino sa paningin ko! 'Yong pagiging masungit niya!

Kaya napangiti na ako. "Thank you, bossing! Good morning pala," at nagsimula na nga akong kumain.

"Tss," 'yon lang ang narinig ko sa kaniya at nagsimula na nga rin siyang kumain.

Masarap naman ang kain ko, gan'on din siya. Kaso hindi nawala sa paningin ko ang panaka-nakang pagtitig niya sa akin sa gitna ng pagkain namin. Nang mahuli ko nga siya ay parang wala lang sa kaniya, eh. Mas ngumiti pa nga siya. Nailang tuloy ako, mahiwaga talaga itong nangyayari ngayon, eh.

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon