CHAPTER 38

131 2 0
                                    

CHAPTER 38

"BOSSING," pukaw ko sa atensyon ni Bossing pagpasok ko sa opisina niya nang mag-lunch break dala ang pagkain niya.

Mabilis naman siyang nag-angat ng tingin sa akin at ngumiti. "Are we going to eat now?"

Ibinaba ko muna ang pagkain niya sa table niya bago sumagot. "Hindi ako sasabay sa 'yo, Bossing,"

Agad namang nangunot ang noo niya sa sinabi ko. "Why?"

"Magkikita kami ni Pappy," tugon ko.

Napaayos naman siya bigla ng upo at mataman akong tinitigan. "Why? Did he call you?"

Umiling ako. "Ako ang tumawag sa kaniya. Kailangan ko siyang kausapin, eh,"

"About what?" tila takhang-takha na siya ngayon.

"Basta, may kailangan lang kaming pag-usapan," tipid kong sagot. Nag-aalangan pa rin akong magsabi ng totoo sa kaniya.

Mataman niya naman akong tinitigan. 'Yan na naman ang titig niyang tila naghihinala na nga sa akin. "George, tell me... is it something about someone who's cowing me?

Sinalubong ko ang mga mata niya at ilang sandaling nakipagtitigan sa kaniya ng seryoso. Malaunan ay napahinga ako ng malalim saka ko siya nilapitan. Hinuli ko ang mga kamay niya para hawakan saka ako nagsalita. "Oo, may kinalaman doon ang ipupunta ko kay Pappy, Bossing," amin ko na rin.

"What?" gulat niya namang reaksyon na halos bitawan pa niya ang mga kamay ko. "So, my suspicion was true that you know something about it now? George—"

"Bossing, kalma, okay?" awat ko sa kaniya sabay haplos ng marahan sa mga kamay niya. "Oo, may pinaghihinalaan ako ngayon, pero saka ko na sasabihin sa 'yo kapag may matibay na akong pruweba. Pagkakatiwalaan mo ba ako?" wika ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot agad. Mataman niya munang tinitigan ang magkahawak naming mga kamay bago tuluyang nagsalita. "Yes, I do trust you. But, George, you have to trust me, too. I have to know all the things that you knew already, we're in this together. And I'm the one who's being threatened so I should really know it, too. I have to go with you—"

"Bossing, hindi!" pigil ko agad sa kaniya nang tatayo na sana siya. "Hayaan mo muna ako sa ngayon, please? Ako muna ang pupunta kay Pappy ngayon, may hihingin akong tulong sa kaniya. Sasabihin ko rin naman sa 'yo, eh. Basta, hindi muna ngayon, okay? Magtiwala ka sa akin," wika ko sa kaniya habang mataman pa rin akong nakatitig sa mga mata niya.

Ilang sandali pa ang lumipas bago siya nagbaba ng tingin at napahinga ng malalim. "Okay, I'll let you go with your father alone. But promise me that you're going to tell me all about it sooner," pagpayag na nga niya.

Nakangiting nginitian ko naman siya. "Oo, pangako, sasabihin ko rin sa 'yo. Basta sa ngayon, pagkatiwalaan mo muna ako, okay?"

Tinanguan niya rin agad ako pero nag-aalinlangan pa rin ang ngiti niya sa akin. "Okay, I will. Come back right away after your talk,"

Nag-thumbs up ako. "Yes, Sir! Sige, Bossing, alis na 'ko, ha? Dito ka lang, okay?" kinalabit ko pa muna ang tungki ng ilong niya bago tumalima. Pero nang tatalikod na nga ako para umalis, hindi naman niya binitawan ang kamay ko kaya napaharap ulit ako sa kaniya. "Bossing, paano ako aalis kung hindi mo bibitawan ang kamay ko?"

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon