CHAPTER 22
"BOSSING, ANO? Sisimulan na ba natin 'yong training mo sa Sabado?" tanong ko sa kaniya nang nasa hapag na kami ngayong umaga.
Actually, kahapon ko pa tanong sa kaniya 'yan. Hindi ko na nga alam kung pang-ilang beses ko nang naitanong sa kaniya 'yan, eh. Ayaw niya kasi akong sagutin ng matino. Kung hindi niya ako sasamaan ng tingin, aangilan niya naman ako.
Bakit ba kasi ayaw niya, 'di ba? Dapat nga, makapagsimula na agad kami hangga't maaga pa!
"Bahala ka," walang gana niyang sagot.
Nagulat ako at halos mapabalikwas pa sa kinauupuan ko nang marinig 'yon. Hindi man niya ako binigyan ng eksaktong sagot, at least, parang 'oo' na rin 'yon!
"Seryoso ka, Bossing? Deal na 'yan, ha? Sa Sabado na ang simula natin!" pag-uulit ko pa para sigurado.
Pero hindi na naman siya sumagot. Ngayon, balik na naman siya sa pag-ismid sa akin habang masama pa ang tingin. Talent na yata niya 'yan, eh.
Hindi ko na siya pinansin, nagpatuloy na lang ako pagkain habang hindi pa rin mabura ang magandang ngiti ko. Masayang napapasilip na lang ako sa kaniya. Hindi na ako nagsalita ulit at baka makulitan na naman siya sa akin, eh.
Nang makarating kami sa Empire, siyempre, balik na naman ang routine ko bilang sekretarya niya. Mabuti nga at nasasanay na ako sa ganito, eh. Mabigat man na trabaho pero unti-unti ko na siyang na-e-enjoy. Tama talaga si Kuya Nelson.
Sa mga bumabati sa kaniya na hindi niya pinapansin, ako na ang bumabati sa kanila pabalik. Nakakatuwa nga dahil ang iba sa kanila, kahit galing sa ibang department ay nakakasanayan ko nang ngitian at batiin, gan'on din sila sa akin.
Kahit 'yong security guard na si Kuya Alfred, nakikipag-apir pa ako r'on kada pagpasok namin. Gan'on ako ka-friendly!
Nakaka-goodvibes kaya kapag kasundo mo ang mga tao sa paligid mo. Kaya hindi nakakapagtaka na ganyan si Bossing, eh. Hindi kasi siya marunong makipagkapwa-tao, tsk.
Magbabago pa kaya siya? Parang ang hirap niyang pigain, eh.
"Sir Lucas! Good morning!" salubong naman agad sa amin ni Miss Prada nang makarating na kami sa opisina ni Bossing. Nakaabang na ito roon at halatang inaabangan nga nito ang pagdating namin.
"Good morning, Miss Prada," tipid lang na bati rito ni Bossing pabalik.
Kaya ako na ang bumati sa kaniya ng masigla. "Good morning, Miss Prada!" at kahit na bully siya sa akin, binigyan ko pa siya ng magandang ngiti at tipid na kaway.
Pero inirapan lang ako ng palaka!
"Sir, nabalitaan ko po na hindi kayo tumuloy sa business conference sa Laguna dahil nagkasakit kayo? Okay na po ba kayo?" sunod-sunod na tanong agad nito habang nakasunod kay Bossing hanggang sa makapasok kami sa opisina niya.
"Alam niyo po bang nag-alala ako sa inyo nang malaman ko 'yon? I even planned to go to your house to check on you! But suddenly, I remembered, ayaw mo nga palang may nagpupunta sa bahay mo," dagdag pa nito, halata nga sa mukha nito ang pag-aalala. Pero hindi ko alam, baka rin nagpapa-cute na naman siya.
"I'm okay, Miss Prada. Thanks for your concern," sagot lang ni Bossing dito at naupo na sa swivel chair.
"Don't worry, Miss Prada. Nandoon naman ako para alagaan siya kahapon. Binigyan ko po siya ng super-duper tender loving care ko!" sabi ko kay Miss Prada na nang-iinggit.
Pareho silang napalingon sa akin, pero si Miss Prada lang ang nag-react. "What? You went to Sir Lucas's house?!" gulat na gulat ito tungkol doon.
Nang magkatinginan kami ni Bossing, ang sama na ng tingin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...