CHAPTER 6
"RESUMÉ, credentials, application form... ano pa ba? Kailangan ko pa ba ng birth certificate, baptismal certificate... Ano pa bang certificate ang kailangan ko?" Napaisip pa 'ko. "Eh, 'yong mga medal ko kaya, kailangan ko pa kayang dalhin lahat? Oo, baka hanapan ako, eh! Mainam na 'yong handa, di ba?" Pagkausap ko sa sarili ko habang 'di na nga 'ko magkandaugaga sa pag-aayos ng mga papel na kakailanganin ko mamaya.
Sabi kasi ni Kuya Nelson, dalhin ko raw 'yong mga papeles na madalas kong dalhin kapag nag-a-apply ako ng trabaho. I-handa ko rin daw 'yong ilang mga bagay na makapagpapatunay na skilled ako pagdating sa self-defense at martial arts.
Tuwang-tuwa nga siya n'ong tumawag ako kagabi para tanggapin na nga 'yong alok niya, buti na lang daw at nakapagdesisyon na 'ko.
Nang maipon ko na lahat ng kakailanganin ko sa isang folder, isinilid ko na agad 'yon ng maayos sa paborito kong shoulder bag, gan'on na rin 'yong ilan kong mga medals na dadalhin ko nga.
Pagkatapos, lumapit naman ako sa cabinet ko para mamili na ng isusuot, para magmukha naman akong presentable mamaya sa future amo ko.
Actually, kaninang alas cuatro pa 'ko gising, eh. Inihanda ko nga agad paggising ko 'yong mga dadalhin ko kahit pa kagabi pa lang nakahanda na ang mga 'yon.
Alas otso pa ang usapan namin ni Kuya Nelson, pero siyempre, iba na 'yong maaga para umpisa pa lang, good shot na 'ko sa magiging amo ko, 'di ba?
Excited ako? Hindi naman masiyado! Medyo nagulantang lang ako nang sabihin sa 'kin ni Kuya Nelson kung anong kumpanya ba 'yong pag-aari ng magiging amo ko.
At, Diyos ko, Lord! Rollick Empire lang naman 'yong kumpanya–Rollick Empire! Isa lang naman 'yon sa mga malalaki at pinakamayamang kumpanya ng laruan dito sa Pilipinas!
At pa'nong hindi ko makikilala 'yong kumpanyang 'yon, eh, isa nga sa pangarap ko ang makapasok d'on noon pa!
At ngayon nga, presidente ng kumpanyang 'yon ang pagsisilbihan ko.
Huh! Hindi, hindi talaga ako excited.
"Okay na 'to!" Pili ko sa isang damit na natipuhan ko at inilabas na agad para ihanda.
Wala namang espesyal, isang simpleng red checkered long sleeves na may collar lang naman 'yon at pa-partner-an ko na lang ng fitted jeans at rubber shoes. Tingin ko, magmumukha naman na 'kong presentable d'on, 'di ba?
Alangan naman na mag-pencil skirt pa 'ko at high heels, eh, bodyguard ang magiging trabaho ko, hindi naman pang-office job o secretary. At never, never akong magsusuot ng gan'ong kaarte!
Bago ako pumasok sa banyo para maligo, sinilip ko muna sa orasan kung anong oras na. Ah, 6:45 am pa lang naman pala. Maaga pa! Tamang-tama, makakapaligo pa 'ko ng mabuting-mabuti!
Talagang pinagbuti ko ang pagligo ko ngayon, 3x yata sa normal na paliligo ko ang ginawa ko. Sinigurado ko na nakapag-shampoo ako ng mabuti, nakapagsabon ako ng maayos, at naghilod pa nga 'ko ng bongga para siguradong walang namumuong libag!
For the first time nga, ginamit ko 'yong binigay sa 'kin ni Mammy na bodywash. Ngayon ko nga lang nalaman na napakabango pala n'on?
Kailangan ko kasing siguraduhin na hindi lang ako magmumukhang mabago sa harap ng magiging amo ko, kundi amoy mabango talaga!
Sinipilyo ko pa nga ng maayos 'tong mga ngipin ko para fresh breath din, eh.
Pagkatapos kong maligo, hindi ko akalain na inabot pala 'ko ng mag-iisang oras sa banyo! Grabe, ngayon ko lang nagawa 'yon.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...