CHAPTER 48

153 3 1
                                    

CHAPTER 48

"LUCAS!" sigaw ko sa pangalan niya nang magsimula na siyang humakbang paalis. Humawak ako sa gate namin para kumuha ng alalay, nanghihina na talaga ang mga tuhod ko. Bakit ba siya aalis? Bakit kailangan niya akong talikuran ng ganito ngayong nasa harap na niya ako?

Huminto naman siya pero hindi niya pa rin ako nililingon. Ilang sandali ko pa muna siyang pinakiramdaman, pero hindi talaga niya ako nilingon.

"B-Bakit ka aalis? Nandito ka na nga, eh, tapos aalis ka agad matapos mo 'kong makita? A-Ano, iiwan mo na naman ako, ha?" sita ko sa kaniya. Kahit anong laban ko ay nabasag pa rin ang boses ko.

Hindi rin siya kumibo, nanatili lang siyang tahimik sa kinatatayuan niya. Hindi ko alam kung anong gusto niyang patunayan sa ginagawa niyang 'yan, naiinis na talaga ako. Bakit ba niya ginagawa sa akin 'to?

Gumalaw ang ulo niya para silipin ako pero nanatili pa rin siyang nakatalikod sa akin. "Go back inside and rest, you shouldn't came here outside," aniya sa malamig na tono. Parang nanuot pa nga sa kaibuturan ko ang lamig n'on, walang kaemo-emosyon.

Pagkatapos n'on ay muli na naman siyang gumalaw para ipagpatuloy ang pag-alis kaya naalarma na naman ako. Tuluyan na akong lumabas ng gate para habulin siya. Pero hindi ko tinuloy, huminto rin ulit ako. "Sige, isang hakbang mo pa palayo, tatapusin ko na rin ang relasyon natin!" pananakot ko sa kaniya. Para kasing determinado na talaga siyang iwan ako, eh. "Sige, umalis ka! Pero asahan mo, tapos na rin tayo pag-alis mo!"

Huminto nga agad siya dahil d'on. Ano, natakot din siya sa sinabi ko? Alam ko naman na ayaw niya talaga akong iwan, eh. Pero bakit niya ginagawa 'to? Pinapahirapan niya lang ang sarili niya.

"Ito ba talaga ang gusto mo, ha? Ang iwan ako? Bakit, sa anong dahilan? H-Hindi ko alam kung bakit mo 'to ginagawa, eh!" at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na singhalan siya. Kasabay n'on ay ang pagtulo na rin ng mga luha ko na hindi ko na talaga kaya pang labanan. Napahikbi at napasinghot muna ako bago nagpatuloy. "A-Ano, hindi mo talaga ako haharapin, ha? A-Ayaw mo na ba talaga akong makita? H-Hindi ko... H-Hindi ko akalain na magagawa mo akong tiisin ng ganito! Bakit mo ba ginagawa sa 'kin 'to, ha? H-Hindi mo ba alam na nasasaktan ako sa ginagawa mo?!" at tuluyan na akong napahagulgol dahil sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko. Naitakip ko na lang ang isa kong braso sa mga mata ko at doon ko ibinuhos ang mga luha ko sa manggas ng sweater kong suot.

Hanggang sa ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin. Nagulat ako roon pero hindi pa rin ako tumigil sa paghagulgol, mas lalo pa nga yata akong naiyak sa ginawa niya.

"Shh, stop crying now... Okay, I won't leave you again..." pang-aalo na niya sa akin at humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin habang marahan niya nang hinahaplos ang buhok ko. "Please, baby, stop crying... I-I'm sorry for leaving you..." aniya pa sabay halik ng ilang beses sa sentido ko.

"E-Ewan ko sa 'yo! N-Naiinis ako sa 'yo! Nakakainis ka..." humahagulgol pa ring singhal ko sa kaniya habang hinahampas ko na siya sa dibdib niya dahil nga sa inis.

"Hush now, baby... I'm sorry... I-I'm so sorry..." patuloy pa rin niya akong niyayakap na tila hindi niya alintana ang bawat hampas ko sa kaniya.

"A-Aray..." daing ko nang muli niyang higpitan ang pagkakayakap sa akin. Natatamaan na niya kasi 'yong sugat ko sa likod. Makirot pa rin kasi 'yon, lalo kapag nadidiinan.

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon