CHAPTER 32
GEORGE
"BOSSING, AYOS na ba 'tong braso mo? Masakit pa ba, ha?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya habang hinihilot ko ngayon ang braso niya.
Nag-alala talaga ako sa kaniya kanina. 'Yong sigaw kasi niya, halatang nasaktan talaga siya. Dinagukan ko nga agad si Mael dahil d'on. Sinabi kong 'wag pupuruhan si Bossing, eh! Pero ang loko, dine-deny na hindi niya raw pinuruhan si Bossing. Ni hindi nga raw niya natuloy, eh.
"Ahmm, it's okay now. But keep on massaging it, I like it," aniya na mukha ngang nag-eenjoy sa masahe ko.
Sa totoo lang, sa kabilang banda, duda rin ako kung talaga nga bang nasaktan siya, eh. Ni hindi kasi siya dumaing man lang nang hilutin ko na 'tong braso niya. Pero hindi ko na 'yon pinansin. Siguro nga, reaksyon na rin niya 'yon dahil hindi naman siya sanay sa gan'ong bakbakan.
"Sus, George! Nag-iinarte lang 'yang amo mo! Paanong masasaktan, eh, hindi ko naman natuloy 'yong ginawa ko?" angil na naman ni Mael na nasa kabilang gilid. Ang sama pa rin ng tingin nito kay Bossing.
Sinamaan ko naman agad ito ng tingin. "Ah, ibig sabihin, may balak ka talagang balian itong Bossing? Kung natuloy man 'yon, Mael, ako talaga ang babali sa buto mo!" singhal ko ulit dito.
"That's enough," awat naman ni Bossing sa akin malaunan. Natigilan ako nang bigla pa niyang hulihin ang isa kong kamay at hinawakan. Kaya gulat tuloy akong napatingin sa kaniya. Nag-angat din siya ng tingin sa akin kaya nagtama pa ang mga mata namin, doon ako mas lalong natameme.
"Hoy, hoy, hoy!" natauhan kami pareho nang rumepeke na naman ang boses ni Mael. Mas lalo kong ikinagulat ang mabilis na paglapit nito sa amin at agad na tinabig ang kamay ni Bossing sa kamay ko. "Tapos na 'yong drama mo, 'di ba? Tama na 'yang para-paraan mo!" singhal pa nito kay Bossing habang nakatitig pa rin ng masama. Ito namang si Bossing, nakipagmatigasan pa talaga ng titig kay Mael! Habang masama ang titig sa kaniya ni Mael, mapang-uyam naman siyang nakatitig dito, parang nanghahamon pa!
Bakit ba sila nagkakaganito?
"Uy, nagseselos ang pulis namin!" sabay-sabay na kantyaw naman nina Kier, Remnard, at Danver. Kaya ang mga ito naman ang sinamaan ko ng tingin. Ang bibilis namang naglipat ng tingin ng mga loko!
"Tama na nga!" tumayo na ako at pumagitna sa kanilang dalawa. "Aalis na kami! I-uuwi ko na 'tong amo ko!" sabi ko sa kanila at hinuli ko na nga ang kamay ni Bossing sabay hila na sa kaniya palabas ng gym.
"Hoy, George! Bitawan mo nga 'yang kamay ng lalaking 'yan! Hindi naghahawak ng kamay ang mag-amo!" habol pa ni Mael. Hindi na ako sumagot at lumingon, itinaas ko na lang ang isang kamao ko sa kaniya hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ni Bossing.
Bibitawan ko na sana ang kamay niya, pero naaganapan niya 'yon nang higpitan niya pa ang hawak sa kamay ko at siya na ang humila sa akin patungo sa sasakyan niya. Nawiwindang na napatitig na lang ako sa kaniya.
At mas lalo pa akong nawindang nang paglapit namin sa sasakyan niya ay agad niyang binuksan ang pintuan ng passenger seat at pinasakay niya ako. Ang akala ko, siya ang sasakay roon!
"Hop in," aniya pa nang hindi ako tuminag.
Napakurap-kurap muna ako habang maang pa ring nakatitig sa kaniya. "Sasakay ako rito?" tanong ko pa.
"Yes, so hop in now!" pagkumpirma nga niya, and take note—in a nice way pa niyang sinabi sa 'kin 'yon!
Sumunod din naman ako sa utos niya at baka kapag hindi, eh, doon na niya ako sermunan. Pagkasarado niya naman ng pintuan pagsakay ko, umikot na rin siya patungo sa driver seat.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...