CHAPTER 25

135 3 0
                                    

CHAPTER 25

NANG SUMAPIT ang Sabado ay maaga na naman akong gumising at gumayak.

"Are you going somewhere?"

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Bossing pagbaba ko ng hagdan. Nasa living room siya ngayon at hawak niya ang iPad niya.

"Good morning, Bossing!" masiglang bati ko sa kaniya paglapit ko. "Ah, opo. Uuwi po ako sa bahay,"

Mataman siyang napatitig sa akin. "But you said, today is the start of our training,"

Napakamot tuloy ako sa batok ko sa sinabi niya. "Sorry po, Bossing, pero... kailangan ko po kasing umuwi ngayon, eh. May gusto po kasi akong alamin," hinging-paumanhin ko sa kaniya. "Pero pinapangako ko po, next week, tuloy na tuloy na po talaga tayo! Kung ngayon din po kasi tayo magsisimula, hindi ko po alam kung nasa kondisyon nga ba ako. Alam mo naman, Bossing, ilang araw pa lang ang nakalilipas noong..." hindi ko na tinuloy ang sinasabi ko, gets naman na niya siguro kung ano 'yon.

Hindi na siya kumibo, umayos na lang siya ulit ng upo at hinarap ang iPad niya.

"Pero bago ako umalis, ipagluluto muna kita, siyempre! Pambawi ko man lang sa araw na 'to," wika ko pa malaunan. Napa-'tss' na lang siya sa sinabi ko.

Nagtatampo kaya 'to kasi hindi kami natuloy? Hindi naman siguro, baka nga masaya pa siya, eh. Siyempre, tutol na tutol nga siya sa training, 'di ba?

"Sige, Bossing, ipagluluto na kita!" at dali-dali na nga akong nagtungo sa kusina.

Nag-isip at naghanap agad ako ng pwede kong iluto para sa kaniya. Dadamihan ko na ang ihahanda ko para hanggang tanghalian ay may makain siya. Hay, dalawang araw na naman tuloy siyang mag-isa rito.

Kasalukuyan akong nagluluto nang biglang sumunod siya sa akin dito sa kusina, naupo siya sa long stool chair sa may bar counter, bitbit pa rin niya ang iPad niya. Hmm, first time yata 'to na sinamahan niya ako rito habang nagluluto, ah? Saka lang kasi siya pumupunta rito kapag yayayain ko na siya para kumain.

Actually, noong mga nakakaraang araw lang, may mga iba pa akong napansin kay Bossing, eh. Hindi man ganoon kapansin-pansin 'yon pero parang may konting-konti na nag-i-improve sa kaniya.

Ang una kong napansin ay 'yong parang medyo nagiging madaldal na siya kapag kasama ako. Hindi naman sa nagiging makwento siya, ah? What I mean is, 'yong mga salita niya kasi kapag magkasama kami, hindi na sobrang tipid. Siguro, kung dati ay inaabot lang ng five to ten words ang bawat salita niya kapag kaharap ako, ngayon, umaabot na siguro ng mga thirty to fifty words.

Pangalawa, hindi na siya nagiging masyadong harsh sa akin! Oo, napipikon pa rin siya sa akin pero medyo nababawasan na 'yong pambubulya niya. Si Miss Prada na lang talaga ang problema ko, kahit konti, wala pa ring pagbabago 'yon, eh. Araw-araw pa rin akong tinatarayan.

At ang pangatlo, heto nga, hindi na siya gaanong naiirita kapag nasa paligid niya ako. Siya pa nga ang lumalapit sa akin ngayon!

Ayaw ko namang pansinin dahil baka mausog, eh. Mahirap na, baka bumalik na naman siya sa normal.

"Bossing, ayos ka lang ba talaga rito tuwing mag-isa ka?" ilang sandali ay tanong ko sa kaniya. Ang tagal ko nang gustong itanong sa kaniya 'yan, eh. Ngayon lang talaga ako nagkalakas ng loob na magtanong. Feeling ko kasi, nasa tamang timing ako ngayon.

"In eleven years that I've been living here alone, I'm always fine. Not until those assholes came and gave me threat," sagot niya habang nasa iPad pa rin niya ang kaniyang pansin. O, 'di ba? Ang haba ng sagot niyang 'yon!

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon