CHAPTER 39

127 3 0
                                    

CHAPTER 39

GEORGE

TULAD nga ng utos sa amin ni Pappy, pagkatapos na pagkatapos ng trabaho namin sa Empire, doon nga agad kami dumiretso sa bahay. Hindi ko nga akalain na nakaabang na agad doon si Pappy pagdating namin, eh. Gan'on din si Mammy.

At siyempre, magkabaligtad sila ng reaskyon tungkol sa status namin ngayon ni Bossing. Kung si Pappy halos sumabog sa galit, si Mammy, siyempre, halos mag-pa-fiesta naman sa sobrang tuwa! Masayang-masaya ito nang salubungin si Bossing at talagang yumakap pa nga. Napaka-OA!

"Mammy, ano ba 'tong hinanda mo, bakit napakarami? Bibitayin niyo na ba kami, ha?" naasiwang tanong ko rito ngayong nasa hapag na kami. Kaming apat lang ang narito ngayon, mukhang wala pa si Ate Felyn. Mabuti na lang din at walang mga asungot.

"Ako, handa akong mambitay," komento naman ni Pappy na masungit pa rin. Nakatutok pa rin ang masamang tingin nito kaya Bossing na katapat lang niya habang nakaekis pa ang mga braso. Kanina pa 'yan ganyan mula nang dumating kami rito. Kinakabahan na nga itong isa, ginaganyan pa niya, tss.

Pero agad din naman itong sinaway ni Mammy, hinampas pa nga sa braso si Pappy. "Tumigil ka nga, Eugenio! Parang hindi ka pulis kung makapagsalita ng ganyan, ah? Ayusin mo nga ang pakikitungo rito sa bagong mamanugangin natin!"

"Anong 'mamanugangin'? Bakit, tinanggap ko na ba 'yan?" bwelta naman agad ni Pappy. Pero isang masamang tingin lang dito ni Mammy, tiklop agad siya, napaiwas agad ng tingin.

Muli namang binalingan ni Mammy si Bossing. "Anak, 'wag mo na lang pansinin 'tong future father-in-law mo, ha? Ganyan lang talaga 'yan ka-overprotective sa mga anak niya. Lalo na rito kay George at ngayon lang kasi nagpakilala ng nobyo 'yang bunso namin. Teka, pwede na nga ba kitang tawaging, 'anak'?" anito na talagang hindi mawala ang magandang ngiti kay Bossing.

"S-Sure po! Actually, I would love it, too, Ma'am," magalang namang sagot niya na mukhang nagustuhan nga rin ang sinabi ni Mammy, nakakangiti na siya, eh.

"Ikaw naman! 'Wag mo na akong i-'Ma'am'! Anak na nga kita, tapos tatawagin mo pa rin akong gan'on? 'Mammy' na lang din ang itawag mo sa akin para mas ramdam ko na magiging anak na nga rin kita, 'di ba? Dapat, kung ano ang tawag sa amin ni Georgina, gan'on na rin ang itawag mo sa amin nitong Pappy niya!" at nilakipan pa nga nito ng tawa ang sinabi.

Nagulat naman ako nang talagang kinagat pa ni Bossing ang trip ni Mammy! "Sure... M-Mammy," aniya dahilan para mapatitig ako sa kaniya, hindi ako makapaniwala na aakto siya ng ganito ngayon.

Nilingon pa niya ulit si Pappy, pero mukhang natunugan agad nito ang plano niya kaya agad din siyang pinigilan. "Sige, subukan mong tawagin akong 'Pappy' kahit hindi ka pa pasado sa akin!" angil agad nito at natahimik nga agad si Bossing. Nakatikim na naman tuloy ng hampas si Pappy mula kay Mammy.

Napailing-iling na lang ako sabay sapo sa mukha ko sa sobrang kahihiyan na pinapakita ng mga magulang ko kay Bossing.

"Pwede po bang kumain na tayo? Ginugutom na ako sa mga inaasta niyo, eh!" malaunan ay anyaya ko na sa kanila. Tulad noon, pinangunahan ko na ang pagdarasal bago kami tuluyang magsimulang kumain.

Pinagsilbihan ko naman si Bossing sa pagkuha ng mga pagkain, halata kasing naiilang pa rin siya sa mga magulang ko. Kung pwede ko nga lang siyang subuan sa harap ng mga ito, gagawin ko, eh. Kaso, baka batasin na talaga kami ni Pappy.

"Pwede ba, Maria Georgina, hayaan mong kumain ng mag-isa 'yang amo mo! Hindi naman putol ang mga kamay n'yan, eh," singhal pa nga rin ni Pappy.

"Ano ba, Eugene? Hayaan mo na nga sila! Tama lang 'yang ginagawa ng anak mo. Dapat talaga, ngayon pa lang, inaalagaan na niya ang mapapangasawa niya para kapag mag-asawa na talaga sila, masanay na sila sa isa't isa!" pigil naman ulit ni Mammy kay Pappy.

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon