#SKL: Here's the part 2. Enjoy reading!
CHAPTER 14
LUMABAS AKO ng hall nang mainip ako. Ang tagal ng mga speech at presentation, eh. Wala naman akong naiintindihan d'on, kaya lumabas na muna 'ko.
Hindi ko pa rin kasi mahagilap 'yong magkapatid, hindi ko alam baka magkakasama pa silang buong pamilya. Nakakahiya namang sumunggab ng gan'on, 'di ba?
Kaya mamaya na lang kapag nagsimula na ang party-party. 'Yong hindi na sila magkasama, kasi paano ko magagawa ang plano ko kung gan'on, 'di ba?
Kaya rito muna ko sa labas, bahala muna silang mga mayayaman d'on sa loob! Bahala na muna r'on si Bossing!
Speaking of Bossing, hindi na talaga niya 'ko pinansin nang makarating kami rito sa party. Para talaga kaming total strangers ngayon. 'Di ko alam, baka nga nakalimutan na 'ko n'on, eh. Ni hindi man lang din kasi ako tinatapunan ng tingin!
Kasi hindi ka pa kailangan!
Totoo.
Pero pwede ring uma-acting din talaga siya. 'Di ba nga, dapat hindi kami magkakilala? So, bakit nga naman niya 'ko papansinin? Napaka-snob kaya sa personal ng taong 'yon! Kahit nga kakilala niya, basta 'di niya feel, wala kang existence sa kaniya, tss.
Kaya iniwan ko muna siya r'on, bahala muna siya sa buhay niya!
Kaso paglabas ko, hindi ko na pala alam kung saan na 'ko nakakarating. Pero sigurado naman ako na hindi pa rin ako nalalayo r'on sa hall.
Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko rito sa grand staircase.
Alam niyo 'yong magagarang hagdan sa mga palasyo, 'yong pagmamay-ari ng mga hari at reyna? Gan'on kaganda at kalaki 'tong staircase na 'yon! May red carpet pa ngang nakalatag.
Feeling ko tuloy, isa 'kong royalty sa gabing 'to.
Bago ako humakbang pababa, inayos ko muna ang sarili ko. Kunwari, babaeng mahinhin ako ngayon. Ako ngayon si Maria Georgina, hindi si George.
Maingat akong humakbang pababa. Nakahawak ang kanang kamay ko sa enggrandeng railing ng staircase, ang kaliwa naman ay maarteng nakaalalay sa damit kong sagabal sa paglakad ko. Hindi pa rin talaga 'ko nakakapag-adjust sa torture na gown na 'to.
Bakit ba may mga babaeng tuwang-tuwa na suotin ang ganito? Gusto nila 'yong nakikitaan sila ng ganito?
Tsk.
Back to Maria Georgina, feel na feel ko talaga 'to!
Nang nasa kalagitnaan na 'ko, hinubad ko na itong maskarang suot ko nang maisipan kong mag-selfie, i-se-send ko kay Marika, iinggitin ko siya. Panigurado, magwawala 'yon kapag nakita niya 'kong ganito.
Pero agad ding nagbago ang isip ko, i-vi-video call ko na lang pala siya para makita ko talaga 'yong reaksyon niya.
Nilabas ko na 'yong cellphone na nasa loob ng purse ko. Hindi akin 'to, naiwan ko sa bahay ni Bossing 'yon akin. Hindi ko alam kung saan 'to nakuha ni Bossing. Buti na lang pagbukas ko, walang passcode. Basta nag-open na lang ako ng account ko rito at tiningnan ko agad kung naka-open ba si Marika.
At naka-open nga ang gaga!
Tinapat ko agad sa 'kin 'tong cellphone para pagsagot na pagsagot niya, nakabungad na agad ako.
Ilang segundo lang, sinagot rin niya agad ang tawag ko hanggang sa lumitaw na rin siya sa screen.
"O—" Magaspang na bati sana niya sa 'kin, pero agad na nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. "Hoy!"
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...