CHAPTER 8

179 4 0
                                    

NOTE: This is a long chapter—5k+ words. Enjoy reading!

CHAPTER 8

"ANO ba'ng mga dapat kong gawin, Bossing? Sabihin mo lang! Ora-mismo, gagawin ko!" Masiglang wika ko kay Sir Lucas pagpasok na pagpasok namin sa opisina niya. Siyempre, first day ko 'to sa trabaho kaya magpapaka-super mabait ako!

'Di na siya natuloy sa pupuntahan sana nila kanina, si Kuya Nelson na lang ang pinatuloy niya r'on dahil nawalan na raw siya ng gana. At ako, agad niya nga 'kong pinasunod sa kaniya rito.

Dire-diretso siya sa swivel chair niya saka prenteng naupo roon, sabay hilig niya sa kaniyang likod sa sandalan.

Tinitigan niya ulit ako ng nakakunot-noo na naman, saka siya nag-crossed arms. "What do you think should a bodyguard do aside of assuring the safety of your boss and risking your life to save me?" Sarcastikong balik-tanong niya sa 'kin.

Wow! Ibuwis ang buhay talaga? Para namang lagi akong malalagay sa bingit ng kamatayan kung makapagsalita 'tong taong 'to. As if naman hahayaan ko 'yong mangyari sa sarili ko 'no! Huh, never!

"Ahmm, sabi ko nga po hindi na 'ko magtatanong, eh." Sabi ko na lang saka siya nginitian. "Pero alam mo, bossing, 'di mo na 'ko kailangang paalalahanan tungkol d'yan! Ako na pong bahala sa inyo araw-araw kaya pwede na kayong mapanatag ngayon. Ano lang... baka lang po kasi may iba pa kayong gustong ipagawa sa 'kin, gan'on?" Tama! Hinding-hindi ko siya bibiguin na ako ang naging bodyguard niya.

"Hindi ako mapapanatag habang umaali-aligid ang mga taong 'yon sa paligid ko at hangga't hindi nila 'ko tinitigilan. At isa 'yon sa mga trabaho mo-ang mahuli ang may pakana ng lahat ng 'to," Mariing utos niya sa 'kin.

Napatango-tango ako.

"Pero, oo, marami pa 'kong ipapagaw sa 'yo. Hindi pa muna ngayon, darating din tayo r'on." Dagdag pa niya sabay ngiti sa 'kin ng sarkastiko, parang pinapalabas niya na hindi dapat ako masiyahan sa mga bagay na ipapagawa niya sa 'kin.

Paihim akong napalunok habang seryosong nakatitig sa kaniya pabalik. Mukhang kailangan ko nga yatang maghanda ngayon pa lang, ah? Mukhang matindi-tindi ang magiging ganti niya, sa 'kin.

"And another thing," Dagdag niya. "Ayoko mang gawin 'to, but... I really need to assure my safety inside and outside my house. And as my bodyguard, it's your job to make sure that I am safe 24/7, right? So..." Tinuro niya 'ko gamit ang ballpen niya. "You have to live in my house, too, with me. Because, who knows? Baka bigla na rin nila 'kong pasukin d'on kahit pa sabihin 'kong mahihirapan silang gawin 'yon."

Natigilan ako at napamaang sa sinabi niya. Ano raw? Titira raw ako sa bahay niya kasama siya?!

"I-Ibabahay niyo 'ko, Bossing?" Bigla akong napatakip sa katawan ko gamit ang bag ko. "Bossing naman! 'Di pa 'ko ready sa bagay na 'yan, eh!" Reklamo ko pa.

Napapalatak siya bigla. "As if naman gusto kitang i-bahay!" Angil niya sa 'kin sabay ismid. Hindi na naman niya nagustuhan ang sinabi ko, panigurado. Grabe naman 'to, di mabiro. "Like what I've said a while ago, I just have to do that to assure my safety and you must do your job until I get home. Don't you understand it?" Aniya pa na naiinis na naman nga.

Napatuwid na lang ako ng tayo at pilit na nginitian siya bilang pambawi. "Joke lang naman, Bossing! Alam ko naman ang ibig mong sabihin 'no! 'Di ka naman mabiro," Sagot ko sabay ismid ng palihim. Ang seryoso sa buhay ng taong 'to!

Alam ko naman na 'di ko ka-uri ang gusto mong i-bahay 'no! Tss.

Pero, teka! May kailangan pala 'kong linawin sa kaniya!

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon