CHAPTER 33
MADILIM NA nang makauwi kami. At pag-uwi namin, agad akong nagluto ng hapunan para makakain na siya at maagang makapagpahinga.
"I'm sorry if you have to see me like this," bigla niyang salita ngayong kasalukuyan na kaming kumakain. Nakayuko lang siya at tila naiilang na tumingin sa akin.
Napalingon ako sa kaniya at napangiti. "Ay, sus! Si Bossing! Sa akin ka pa ba mahihiya? Eh, mas malala pa nga ako noong nasaksihan mo akong brokenhearted at nag-walwal! Ayos lang 'yan, lahat naman tayo may pinagdaraanan, eh." sabi ko sa kaniya.
"Then, thank you for staying with me... for bearing with me..." aniya nang mag-angat na siya ng tingin sa akin.
Napanguso ako. "Wala akong choice, Bossing, eh. Hindi naman kita pwedeng iwan. Eh, 'di binawasan mo ang sweldo ko, 'di ba?" biro ko sa kaniya. Doon naman siya napasimangot na siyang ikinatawa ko naman. "Joke lang, ito naman! Siyempre, hindi talaga kita iiwan! Hindi kita hahayaang maging malungkot mag-isa, Bossing," wika ko sabay kindat.
Nanatili naman siyang nakatitig sa akin, pero ngayon ay seryoso na. Hindi ko rin naman magawang mag-iwas ng tingin dahil tila hinihila rin ako ng kakaibang emosyon na ngayon ay muli na namang namumuo sa loob ko. 'Yong puso ko nga... akala mo na naman tumatakbo sa bilis ng tibok, eh. Ewan ko ba!
"A-Ah, Bossing! Tapos ka na bang kumain? Sige na, para makapagpahinga ka na ng maaga," ako na ang pumutol sa titigan namin dahil pakiramdam ko, mababaliw na yata ako. Agad na rin akong tumayo at tumalikod para uminom ng tubig. Pagkainom ko, palihim akong napahinga ng malalim at napasapo sa dibdib ko. Grabe, hindi ko na talaga mapigilan 'to!
"I'm done," aniya dahilan para mapalingon ulit ako sa kaniya.
"A-Ah, sige. Ililigpit ko lang 'tong pinagkainan natin, tapos, sabay na tayong umakyat sa taas," sabi ko at mabilis ko na ngang iniligpit ang pinagkainan namin.
Tumayo na rin siya para siguro hayaan na akong gawin 'yon, pero laking gulat ko nang sapuhin niya ang mga kamay kong nakahawak na sa mga plato, gulat akong napaangat ng tingin sa kaniya.
"Let me help you," aniya at tuluyan na niyang kinuha sa mga kamay ko ang mga plato at siya na nga ang nagdala n'on sa lababo.
"Bossing, sabi ko ako na, eh!" singhal ko sa kaniya nang isunod ko na lang sa kaniya roon 'yong mga baso. Bakit ba ang kulit niya? Mababaliw na nga yata talaga ako sa mga pinaggagagawa niya, eh!
Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nakangiti pa siya sa akin nang lingunin na niya ako. "Done now, let's go?"
Napatitig na naman ako sa kaniya nang magtama na naman ang mga mata namin. Heto na naman ako, natatameme na naman sa mga simpleng kilos niya. "H-Ha? Ah, oo, tara na," dali-dali ko na lang siyang tinalikuran para manguna na roon. Gusto ko na kasing pakalmahin ang sarili ko ng wala siya sa paligid ko.
Pero agad niya naman akong pinigilan nang hulihin niya ang kamay ko. Napasinghap ako sa gulat dahil d'on. Bumaba muna ang tingin ko sa magkahawak naming mga kamay baga ko dahan-dahang sinalubong ang mga mata niya.
"I don't want to sleep yet, can you stay with me for a while?" aniya habang nagsusumamo ang kaniyang mga mata.
Palihim akong napalunok habang halos mapangangang nakatitig pabalik sa kaniya.
Makakatanggi ba ako kung siya na mismo ang nag-re-request?
"HERE YOU GO, Bossing! Hot choco para sa malamig na gabi," wika ko pagbalik ko dala ang dawanh tasa ng hot choco. Nilapag ko na ito sa coffee table sa harap namin.
"Thanks," aniya saka ako naupo sa katabi niyang upuan.
Narito kami sa terrace ngayon kung saan may magandang view ng city lights sa kalayuan, samahan mo pa ng mabituin na langit at malamig na simoy ng hangin ngayong gabi. Kaya nga rito namin naisipang tumambay muna, nakaka-relax kasi 'yong ganda ng tanawin dito ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
Fiction généraleIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...