CHAPTER 5
"MASAYA talaga 'ko na makita ka ngayon, George! Kanina, hindi mo alam kung p'ano mo pinagaan ang loob ko nang makita kita ng hindi inaasahan! Nawawalan na 'ko ng pag-asa kanina, eh. Pero nawala 'yon ng makita kita! Hindi ko akalain na kakilala ko lang din pala ang kanina ko pa hinahanap," Nakangiting kwento sa 'kin ni Kuya Nelson.
Oo nga, eh. Halata ngang masaya siya. Pero parang gusto ko ring kilabutan sa mga pinagsasasabi niya.
Nandito kami ngayon sa isang coffee shop na malapit lang din sa 'min, mag-uusap nga raw kami. Dito na lang kami nagpunta para hindi na kami malayo pa. Pinauna ko na si Marika sa pupuntahan niya dahil nga rito.
Mula pa kanina ay maang lang akong nakatitig kay Kuya Nelson. Hindi ko magawang ngumiti, puro ngiwi lang ang nagagawa ko sa mga pinagsasasabi niya. Parang iba na kasi ang pumapasok sa isip ko sa mga sinasabi niya, eh.
Alam kong 'di ko dapat masamain 'to pero... parang gusto ko na talagang kilabutan sa ideyang nabubuo sa isip ko. Bwisit na Marika kasi 'yon, eh!
"Ahmm... Ano po ba 'yong sasabihin niyo sa 'kin? Bakit gusto niyo po 'kong kausapin?" Tanong ko na malaunan at napahigop na lang ako sa kapeng in-order niya para sa 'kin.
Gusto ko nang malaman 'yong sinasabi niyang 'kailangan' niya sa 'kin bago kung s'an pa mapunta ang 'di kanais-nais na nabubuo sa isip ko.
Napaayos muna siya ng upo at mataman akong tinitigan, nakasalikop ang mga kamay niya sa mesa. "Gusto kitang makausap dahil tulad nga ng sinabi ko, ikaw 'yong sa tingin kong makakatulong sa 'kin. Tugmang-tugma ang mga kakayahan mo sa hinahanap ko! Kahit pa sabihin nating... wala sa 'yo ang lahat ng karakter ng taong hinahanap ko, okay lang, dahil na sa 'yo naman ang pinakaimportante sa lahat! Kaya nga nang makita talaga kita kanina, George, binigyan mo agad ako ng kasagutan!" Aniya pero hindi ko pa rin ma-gets ang punto niya.
"Eh, ano nga po 'yon?" Kunot na kunot na ang noo. Naguguluhan na talaga 'ko, eh! Hindi ko pa rin malaman kung ano ba talaga ang gusto niya.
"Okay, heto na," Aniya at tumikhim. Mataman lang naman akong naghihintay ng sasabihin niya. "May gusto akong i-alok sa 'yo. 'Wag kang mag-alala, sagot kita sa bagay na 'to! Ikaw na lang ang natitirang pag-asa ko, George, kaya sana lang... tanggapin mo 'tong alok ko," Hinuli pa niya bigla ang isa kong kamay na siyang kinagulat ko. "Pumayag ka sana na—"
"Kuya Nelson!" Nawiwindang na bulalas ko sabay bawi ng marahas sa kamay ko. Halos lumuwa pa nga ang mga mata ko sa gulat dahil sa pinagsasasabi niya. Napamaang naman siya sa 'kin sa naging reaksyon ko.
Teka nga! Confession ba 'yon? Tama ba ang hinala ni Marika at 'yong maling naiisip ko?
Hindi pwede!
Huminga muna ako ng malalim bago ulit nagsalita. Pakiramdam ko kasi, gusto na 'kong takasan ng hininga sa pagkagimbal. "A-Ahmm, Kuya Nelson... alam ko po na matagal na tayong magkakilala. Malapit din tayo bilang magkapit-bahay! Pero, Kuya Nelson... b-bakit ako? Bakit..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko, disappointed ko siyang tinitigan.
"Ha?" Tila naguluhan naman ito sa sinabi ko, pero agad ding bumalik ang masaya niyang ngiti. "So, na-gets mo na ang ibig kong sabihin? Ibang klase ka talaga, George!" Puri pa niya sa 'kin.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. So, tama nga ang iniisip ko?!
"Tinatanong mo kung bakit ikaw? Siyempre! Dahil sa 'yo ko nakita ang katangiang hinahanap ko! Pasok na pasok ka, George! Kaya sana lang, tanggapin mo ang alok ko." Aniya, at 'yan nga, kinukumbinsi pa 'ko!
Nagkandaletse-letse na talaga!
Bakit ba 'to nangyayari? May asawa't mga anak na siya, 'di ba? Kaya pa'nong...
BINABASA MO ANG
Guard Up!
Ficción GeneralIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...