CHAPTER 49
GEORGE
HINDI nagtagal ay sumunod na rin kami ni Lucas sa dining kung nasaan sina Pappy at Mael dahil nga sa pag-uusapan namin ngayon. Nanatili ako sa tabi ni Lucas dahil alam kong maaapektuhan siya sa malalaman niya. Noon pa nga lang na nalaman ko 'yon ay nasaktan agad ako para sa kaniya.
"Is this something about the case happened last week?" tanong niya ilang sandali.
Tumango ako. "Oo, alam na nina Pappy ang totoo kung sino talaga ang nasa likod ng pagbabanta sa 'yo. Nagising na rin 'yong lalaking nagpadukot sa 'yo na nautusan nga lang din at umamin na ito sa kanila," sagot ko sa kaniya.
Noong araw kasing 'yon, 'yon at si Hillary ang nahuli nila dahil sa sila nga ang prime suspect sa nangyari. Wala naman silang napala kay Hillary dahil wala raw talagang alam 'yon dahil nautusan lang daw ito pero arestado pa rin ito dahil sa pagbaril nito sa akin. 'Yong lalaki namang nabaril ni Lucas ay nadala pa sa ospital para magpagaling. At nang magising na nga ito, hindi naman sila nabigo na mapaamin ito.
"S-So, who was it? Who asked them to do that to me?" tila curious na curious na rin niyang tanong.
Nagkatinginan kami nina Pappy at Mael, bigla kaming nag-alangan na magsabi sa kaniya. Ako, biglang umatras ang lakas ng loob ko. Hindi ko kaya na makita na naman ang sakit sa kaniyang mga mata. Pero kailangan na niyang malaman ito para matapos na talaga.
"G-Gusto ko munang malaman mo na kay Miss Sheryl ko nalaman noong araw na 'yon kung saan ka nila dinala. Doon ko talaga nakumpirma na tama nga ang hinala ko sa kaniya at tama ako na kakailanganin nga talaga natin siya," wika ko sa kaniya.
Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya. "That woman! I can't belive that she can do that to me! Of all people who work in the Empire for so long, why her? I trusted her to work for me since I saw how she worked for the Sevilla Group before, I even gave her a good position in the Empire and help her family. And in the end, she did that to me? That's why I can't really trust people around me," aniya at ramdam ko ang sama ng loob niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Paano pa kaya sa susunod na malalaman niya?
Hinawakan ko ang kamay niya na nakayukom dahilan para lingunin niya ako. Nginitian ko siya. "Kaya salamat dahil pinagkatiwalaan mo ako, kami, sa kabila ng issue na 'yan na kinakaharap mo sa sarili mo," sinserong wika ko sa kaniya.
Agad naman siyang napangiti sa akin. "You're a different case, baby. You deserve to be trusted to because you proved everything to me. And you really did help me," tugon niya na mas lalong nagpangiti sa akin.
Naputol lang 'yon nang biglang tumikhim si Pappy. Nabalik dito ang pansin namin.
"Leader ng isang samahan ang lalaking 'yon. Hindi lang sila nahuhuli dahil nasa likod ng kilalang negosyo ang samahan nila. Kilala talaga sila sa pag-gawa ng mga ganoong krimen laban sa mga malalaking tao. Tulad nga ng ginawa nila sa 'yo. At inamin na nga niya sa amin kung sino ang nag-utos sa kanila na gawin 'yon," wika ni Pappy sa kaniya. Napatango-tango naman ako.
"T-Then, who was it?" tanong ulit niya.
Hinigpitan ko ang hawak sa mga kamay niya bago ako muling nagsalita. "Alam kong hindi ka maniniwala sa sasabihin namin. Pero, Lucas... si..." huminga muna ako ng malalim para kumuha pa ng sapat na lakas ng loob bago tuluyang nagpatuloy. "S-Si Sir Gideon ang nag-utos sa kanila na gawin 'yon,"
"What?" tila gulat na gulat ngang reaksyon niya agad. Kunot na kunot pa ang noo niya habang hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. "A-Are you serious? That asshole confessed that Gideon was the one who told them to do that?"
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...