"We can't make it," umiiling na sabi ko.
Sa tingin ko, mamamatay kami sa mundong 'to. Lahat ng bagay walang kasiguraduhan.
"Yeah, tig-iisa na lang ang buhay natin. Wala na tayong laban. Ang kapangyarihan na taglay natin ay kakarampot para lumaban," pag-amin ni Cad.
Ang kanyang boses ay basag na basag na. Halos hindi ko na naintidihan ang iba niyang sinabi dahil pabulong ito.
Fuck this book, fuck this game, fuck this world, fuck all!
Paano kami makakalabas dito? Masyado na kaming nahihirapan. Kaya pa ba namin? Tingin ko kasi hindi na, maski pag-asa wala na kami.
"Cheer up, guys! Magagawa natin 'to. Kahit alam nating walang-wala na 'wag tayong titigil," nakangiti pero puno ng pighati na sabi ni Zenaida.She's cheering us, pero alam ko sa loob-loob niya sumusuko na rin siya.
"Be careful, kung mawala ang iisang buhay natin ay hindi na tayo makakalabas," paalala ni Art. Halatang pinipilit niya na lang.
"I don't want to die. Ang malala eh mamamatay tayo sa loob ng laro!" tuluyan na akong bumigay.
My positive mind faded away. Sa panahon na ito, hindi ko na kayang magpanggap na naniniwala akong makalalabas kami sa loob nito.
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasyMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...