—Aize Point Of View—
Madilim, at walang pag-asa. Punong-puno ng paghihinagpis ang mga mukha namin. Malamig na gabi, kasabay ng pagkabigo naming apat.Mabilis akong napabangon mula sa kinahihigaan ko nang maramdaman na muli akong nagkaroon ng hangin sa loob ng katawan. Ang tubig na lumalabas sa ilong at bibig ko ay patuloy, kasabay ng pag-ubo ko.
Kalma, Aize. It's just a dream.
The sun lightning striking to my body, while leaning on the wood floor. Masakit ang ulo ko at kumikirot ang ilong. Maalat na hangin ang bumabalot sa buong lugar.
"Nasaan tayo?" pakurap-kurap kong tanong sa kanila at hindi pa rin tumatayo.
Something will happen, not now but soon. Can I stop that? I don't want to see our face looking like that.
Basang-basa ang damit ko. Katabi ko si Art na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpo-proseso sa utak niya ang nangyayari. Sa di kalayuan ay nandodoon ang dalawa na nakahiga pa rin.
Maingat akong tumayo at pinagmasdan ang paligid.
"D*mn," walang inhibisyon kong bulong sa sarili.
So, seryoso na 'to? Wala ng bawian?
Tirik na tirik ang araw at ngayon ay nasa isang barko kami. I can't even find a land. Tanging itong barko lang ang nagsisilbing lupa, at ang buong tanawin ay puro tubig na.
"P*tangina, akala ko magiging serena at shokoy tayo!" natatawang biro ni Cadmus.
Nilingon ko siya na ngayon ay papalapit na sa aming dalawa ni Art. Napatawa naman ako sa reaksyon niya at nginisihan na lang ito.
Okay na siguro 'yong ganito kesa do'n sa ini-imagine ni Cadmus.
"Ano ng gagawin natin?" I ask to them.
I guess this is not ordinary yatch or what. Hindi ito 'yong nakikita ko sa picture, eh. Makalumang bersyon 'to. Lahat ata ng gamit at pinaggawan nito ay kahoy, at... magic.
"Let's have a tour!" suggest ni Zen na ikinagulat ko.
Nagkibit-balikat na lang ako at sumunod sa kung saan siya pupunta. Pumasok kami sa isang kwarto, sa taas nito ay kung paano papaganahin 'tong sasakyan.
"Bakit may mga baril dito?" walang kamalay-malay kong tanong.
Namayani ang katahimikan sa aming apat habang tinitignan ang mesang punong-puno ng gamit. This is not so ordinary things to see in this kind of place.
I can feel that my heart is racing fast. From my neck to my spine, it's filled with a bullet sweat.
"That's a flintlock pistols, and rifle. The sword called cutlass. While that bottle is a dynamite," paliwanag ni Art habang tinuturo turo pa ang mga ito.
Sa mga tabi ng baril ay may balang nakahanda.
Bumuntong hininga ako at unti-unting lumapit doon. Hindi pa tapos ang pagpasok namin sa loob ng kaharian, may hindi pa kami natatapos.
"Para sa'n naman 'to?" nakakunot noong tanong ni Cadmus at dinampot ang isang pistol.
"Well, I'm not sure—"
Zenaida's sentence didn't even finished when we heard something. Napagulong ako sa kinatatayuan ko at sinubukang tumayo, pero masyadong mauga ang bangka.
"F*ck," bulong ni Art na nakahilig sa pintuan.
Iniabot niya sa akin ang kamay niya kaya dali ko itong kinuha.
There's no time, kalimutan ko muna 'yong ginagawa kong pag-iwas. Nakahawak ako sa braso niya habang ang isa niyang braso ay inaalalayan ang likod ko.
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasyMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...