Chapter 17

48 2 0
                                    

-Aize Point Of View-
Shocks, this is getting creepier. Lahat ng dinadaanan naming puno ngayon ay halos hindi na makita dahil natatabunan na ito ng snow.

Palakas ng palakas ang pagbuhos at pagbagsak ng nyebe. Bawat hakbang namin ay may diin, dahilan para mag iwan ng bakas. Damn this short.

"A-art! We c-can't make it!" giit ko sa kanya habang nanginginig ang labi.

Ni hindi ko na halos maaninag ang buong lugar. Nakakapit din sa aking braso si Zenaida. Panay ang pagsinghot na ginagawa niya. Ang kaniyang pisnge at ilong ay namumula na. Kitang-kita dahil sa kaputian niya.

But he didn't hear me. He's the one whose leading the way. Cadmus is at the back. Maliliit ang ginagawa naming paghakbang. Naninigas na ang buong katawan ko, at pilit ko na lang ginagalaw.

Ang aming mga buhok ay napupuno na rin ng nyebe. Ang daanan ay papaakyat na rin. Ang malala pa ay hanggang itaas na ng ankle namin ang snow kung tatapak kami.

We don't have any protection for this fucking cold.

I can see that we're all pale.

Ilang minuto pa ng paglalakad ay nakapunta kami sa isang open area, kung saan wala ng kahit anong puno.

"P*ta! Akala ko mabilis na tayong makararating pagkatapos ng atake ng lobo. Pinaglalaruan na tayo rito, eh!" galit na galit na sigaw ni Cadmus habang sinisipa pa ang batong nakikita.

Ang makapal na nyebeng hanggang ankle ng paa namin ay bumaba na. Nasa tuktok na kami at maski halaman at damo ay wala na.

We're hopeless. Ang sabi ni Zenaida ay hindi gumagana ang mapa. Dapat ay parang nalolocate ng mapa kung na saan na kami. Bigla na lang daw nawala 'yung nakalocate sa amin.

"Let's stop team Alpas. Masasayang lang ang lalakarin natin kung pabalik-balik naman tayo," Art frustrated said.

Padamog niyang pinabayaan ang katawan niyang mapahiga sa itaas ng mga nyebe. Bakas na bakas sa mukha niya ang pagkabigo.

Why are you like that Art?

Dahan-dahan na lang din akong nag-squat. Nakalayo na kami sa mga may puno-puno kanina. Ngayon ay kaming apat na lang ang nasa gitna ng malaking pwesto na to.

Ramdam ko na ang pangangalay ng buong katawan ko. Sinisipon na rin ako at bumabahing bahing na.

"Art... Get up p-please?" puno ng pagsusumaho sa boses ko.

I faced him and give a painful smile.

The snow falling is slowly touching his face. He opened his eyes and face me.

"You're the l-leader right? 'Wag mong sabihing nagkamali ako doon?" I softly ask to him.

Bulong na lang ang nagagawa ko, dala nitong kahinaang tinataglay ng katawan ko.

Kanina ko pa ni-rurub ang kamay ko, nagbabakasakaling makakapagbigay ito ng init.

Habang naka-squat ay maingat kong niyakap ang tuhod ko at inihilig doon ang baba ko. Puno ng pag-asa ay tinititigan ko siya. Hindi pa rin siya gumagalaw at nakatingin lang sa akin.

Ang bawat paghinga ko ay unti-unti ng bumabagal. Alam kong sa bawat oras ay maaari akong malagutan ng hininga. Barado na ang aking ilong at ang aking labi ay nanginginig na sa lamig. Every inch of my body is freezing. I can't make it anymore.

Bumibigay na ako. Pinabayaan ko ang katawan kong gawin ang gusto niya. Marahas akong bumagsak sa yelong bumabalot sa daanan.

Malamig, nakakapangkilabot, at nakakatakot. Nagtatayuan ang buong balahibo ko sa katawan ng maramdaman nitong may mas ilalamig pa pala sa kanina.

Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon