—Aize Point Of View—
"Guys, I'm nervous. We don't know what game are we playing. Ni hindi natin alam ang eksaktong mangyayari at ang rules," umiiling kong pag-amin sa kanila.Maski kung paano ito laruin.
Paikot kaming naka-upo ngayon sa kama. Pero nagbago na ang pwesto. Nasa harapan ko si Zenaida at Cadmus, ang sa gilid ko ay si Art.
"We should change our routes," seryosong suhestyon ni Art.
Bigo akong napa-iling at seryosong bumaling sa kanya.
"Paano 'yung goal natin? At saan tayo pupunta? Ang tanging napupuntahan lang natin ay 'yung mga kaharian. Art, ang mission lang natin dito ay tulungan sila, wag na tayong makisali. Kung gagawin natin 'yon baka masayang ang goal nating makalabas dito? 'Pag ginawa natin 'yun parang kakalabanin na natin ang buong mundo na 'to, diba?" malungkot na tutol ko.
Alam ko ang gusto niyang gawin. Masyadong delikado. Ang malala mawala pa ang tiwala saamin ng ibang hari at reyna.
"If the plan doesn't work. Change the plan not the goal."
I pursed my lips and gave Art a soft gaze. Sa simpleng salita na 'yun, alam kong may mas malalim pang ibig sabihin 'yon.
"Ang una nating plano ay ang sumunod at hayaan ang bawat mangyayari. Papalitan natin 'yon. May kailangan tayong alamin bago magpatuloy. Pero ang hangarin lang natin ay ang maka-alis sa lugar na 'to," pagtalima ni Art.
Napapikit lang ako ng mariin sa gusto nilang mangyari.
"You guys telling me na hindi tayo di-diretso sa kaharian ng Aqua?" gulat na gulat na tanong ni Zen at inilabas ang mapa niya.
Napatango ang dalawa dahilan para mapasinghap si Zen. Sa totoo lang ayoko ang binabalak naming gagawin. Kung gagawin namin 'yun at malaman ng kung sino ay parang kinakalaban na namin ang buong tao sa Luminus.
"Marami tayong nalagpasan. 'Yung mga babala, iisa lang ng ibig sabihin. Tiwala? Shet, ang gulo talaga ng kwento!" singhal ni Cadmus at napatayo sa kina-uupuan.
Nag-umpisa siyang mapabalik-balik ng lakad.
"The plan is we're going to Alexandre's Castle. Titignan natin kung anong mero'n doon. Then, we will go back to the game." at tumayo rin si Art.
Binuksan niya ang bintana at sumilip silip doon.
"Zen, use your power. Aalis na tayo ngayon. Mauubusan tayo ng oras kung hindi," puno ng otoridad na utos ni Art.
Mabilis akong napatayo at inayos ang sapatos ko. Ako kinakabahan sa ginagawa namin, eh.
"Magmamadali tayo dahil hanggang eclipse lang tayo pwedeng magliwaliw. Sa oras na eclipse at hindi natin mapipigilan si Alexandre. P*tangina talaga!" pahayag ni Cadmus.
Kaming apat ay nasa bintana na. Mariing nakapikit si Zenaida at nakatutok ang kamay sa labas ng bintana. Ang mga nyebe sa labas ay umiikot-ikot sa ere dahil sa ginagawa ni Zen.
"We will jump to that ice. Zen, are you sure that's safe?" baling ni Art kay Zenaida ng matapos niyang pagtumpok tumpokin ang yelo.
Nagthumbs up lang si Zen at dinungaw ang ulo sa bintana.
I can't feel anything. I can't feel that my heart is trembling because of nervous, nothing at all.
"Cadmus, stay at the back. I'll try it first, and I'll check if it's safe. Sumunod nalang kayo saakin," matikas na utos ni Art.
Walang emosyon akong napatingin sa kanya. Kasabay ng pagtingin ko kay Art ay bagsak balikat siyang nakatingin din sa akin.
I don't want to assume. Maraming beses ko na din kasing nahuhuli ang tingin ni Art. What was that, right?
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasíaMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...