Chapter 46

38 4 0
                                    

—Leon Point Of View—
"Saan ka pupunta?" harang sa akin hari sa Nieve.

Unti kong niyuko ang aking ulo, upang makapagbigay ng respeto.

"Maiwan kayo rito. Kahit ano man ang mangyari ay huwag kayong lalabas!" sigaw ko sa kanila.

Tumango-tango lamang ang mga bata. Mga blangkong emosyon na tanging aking nakikita. Ang kanilang mga nanghihina, at lupaypay na katawan.

Kayo'y magpahinga na. Sa pagkakataong ito, sila naman ang lalaban sa inyo. Nang makita ang kanilang mga mukha ay patakbo na akong sumunod kay Alexandre.

Akin itong kailangan na masaksihan.

Ang mga tunog ng aking ginawang paghakbang sa madulas na semento ang unang sumalubong sa akin.

Napatigil ako ng sandali at pinagmasdan ang mga kagamitan sa magarang palasyong ito. Hindi ko pa lubos na nakikita ang lahat ngunit ako'y nagpatuloy na.

Isang nakakarinding ingay ang aking narinig sa ilang hakbang pa lamang na aking ginagawa. Tila'y malapit lamang iyon sa akin.

Mabilis ang aking naging pagkilos at patakbong nagtungo doon. Natagpuan na lang ang aking sarili sa harap ng malaming pintuan. Hindi ito basda pintuan. Aking nararamdaman ang kakaibang mahika na taglay nito.

Patago akong sumilip sa loob nito. Hindi ang pintuan ang nakabukas. Sa aking tsansa isang pagsabog ang naganap upang buksan ang pintuan na iyon.

"Itigil mo na ang iyong kahibangan Linus. Ako'y nagmamakaawa," banayad na rinig ko.

Base sa aking narinig, si Alexandre ang nagsasalita. Hindi ko ganoon nakikita ang mga nangyayari, ngunit isa ang pumukaw sa aking atensyon.

Ang walang kamalay-malay na katawan ng isang pamilyar na babae. Napakagat ako sa aking labi habang tinitignan iyon.

Siya'y wala na pala.

Halos mabuwag ako sa aking kinauupuan nang lumapat ang aking tingin sa kaniyang mukha. Ang putlang hatid ng kaniyang katawan ay tila'y hindi pangkaraniwan. Ramdam ko ang hapdi na dala nito sa aking dibdib, bagama't ngayon ko na lamang nabalitaan ito.

"Ha! Anong akala mo sa akin, Alexandre? Hindi ako ganoon kabilis sumuko," mababang boses na sagot ni Linus.

Halos mapakamot ako sa aking ulo. Hay, wala na talagang pag-asa ang pananaw ni Linus. Tanging pagkaawa na lamang ang aking mararamdaman sa mga pangyayari.

Aking kinakailangang protektahan ang sarili. Bago tuluyang makalabas ang mga bata ay kailangan muna nilang basahin ng sabay-sabay ang huling salita ng Luminus.

Gawa-gawa lamang ang sinabi kong kinakailangan nilang bigkasin. Nakikita ko kung paano ako tingnan sa malayuan noon ni Linus. Ang kaniyang masasamang tinginan ang tanging nasa aking isipan noong mga panahong iyon.

Ang kanilang kailangan lamang upang makalabas ay ang huling salita ng Luminus, at nasa sa akin iyon. Sa ngayon ay wala pa ang mensahe dahil para sa Luminus ay hindi pa natatapos ang isinasagawang laro.

"Huwag kang mag-alala kaibigan. Akin lamang itong ginagawa upang muling mabuhay ang aking kapatid." at pinuno ng halakhak ni Linus ang buong lugar.

Inayos ko ang aking posisyon, nang sa gayon ay akin pang makita ang nagaganap sa loob. Yakap-yakap ko ang aking tuhod, habang naka-upo.

Si Linus ay nasa likuran ni Alexandre, at pinapasadahan pa nito ang balikat ni Alexandre.

"Nahihibang ka na talaga. Huwag mong sabihin sa akin na iyo lamang ginawa ang lahat ng nangyari upang muling buhayin si Lumi?" puno ng galit na sigaw ni Alexandre kay Linus.

Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon