Chapter 42

38 5 0
                                    

—Linus Point Of View—
Ha! Ako pa rin ang mananalo sa huli.

Ang bawat madadaanan kong bagay ay aking hinahaplos. Mabuti na lang at napaganda ko na ang kastilyong aking itatayo. Hindi magtatagal, tanging itong palasyo na itatayo ko ang mamumuno sa Luminus.

Noong pinagmamasdan ko sila habang nakakulong sa aking ginawang selda, ang aking puso ay nagagalak. Akalain mo iyon, magagawa ko pa pala iyon.

Ngayong nag-iisa na lang ako ay dapat ko pang pagbutihan ang mga gagawin. Marahas akong humakbang sa hagdaanan. Ang bawat hakbang na aking pinapakawalan ay may diin, tila'y nagdadabog.

Mabilis akong nakarating sa pinaka tuktok nitong palasyo, na aking ginawa. Mula dito ay tanaw na tanaw ko ang seldang pinagkulungan ko sa kanila. Wala ng maaring lumabas sa lugar na ito. Sama-sama na kaming mamamatay dito.

Teka, ang ibig kong sabihin ay sila. Walang makakapatay sa akin ni sino man. Maaring ako na nga ang magkontrol sa mundong ito. Ang tanging inaabangan ko na lang ay ang araw ng eclipse, kung saan doon magaganap ang lahat.

Sa oras na maisagawa ko na ang ritwal ay maglalaho ang lahat. Ang mga palasyong nakatayo ay unti-unting maglalaho na parang bula. Ang mga hari at reyna, maaari ko silang isabay kung nanaisin ko.

Mas maganda kung paglaho ng palasyo nila ay mawala na rin sila. Ang mga bata? Pwes, papahirapan ko sila sa loob ng mundong ito.

"Saan kaya ako unang mag-uumpisa?" tanong ko sa aking sarili.

Inilapat ko ang dalawang palad ko sa bintana. Makulimlim sa labas, at ni isang hangin ay hindi ko man lang maramdaman. Masyadong nag-iba ang kapayapaan ng Luminus noong nagalit ang mga hari at reyna. Dumagdag pa ang pagkatuyo ng ibang mga dahon dahil sa tuluyang pagkawala ng dwende.

Inalis ko na ang tingin sa bintana at muling inihakbang ang paa upang bumaba. Hindi katulad noong bagong tayo pa lamang ang palasyong ito. Mas pinakintab, at mas pinatibay ang mga kasangkapan na nasa loob ng palasyong ito.

Ang maganda pa dito ay itinayo ko ang palasyong ito sa pinakagitna ng Luminus. Kung na saan ka man na bahagi sa Luminus ay mabilis mo itong makikita. Hindi katulad ng ipang palasyo diyan! Masyadong mga nasa gilid. Mga inutil ba sila? Masyado lang nilang pinapagana ang kanilang pag-iinarte, nakakalimutan na ang utak.

Bumuntong-hininga ako at tiningnan ang pintuang nasa harapan ko.

"Handa na ba akong makita kang muli?"

Ang kirot na nasa aking puso taong nakakaraan ay naririto pa rin, at nananatili. Mariin akong umiling at umayos ng tayo.

Ang aking tayo ay tuwid na tuwid, at taas noong tinitingnan ang pintuan. Sa pintuan na lang talaga ako may kakaibang nararamdaman. Gamit ang mahikang aking taglay, aking binuksan ang pintuan.

Ang tanging makakabukas lamang sa pintuang ito ay malakas na mahika. Ito lamang ang nag-iisang pintuan sa palasyo. Ang kapatid ko ay ito ang nais. Hindi ko alam kung bakit ko ito sinunod.

Sumalubong sa akin ang isang kama. Sa ibabaw ng kama na ito ay makikita ang kakaibang bagay. Isang katawan, mga matang nakapikit, at namumutlang kabuuan. Kung titingnan ito ay parang blangko na katawan lang ngunit aking naaalala ang mga nakaraan.

"Ayoko na. Itigil na natin ang kahibangang ito, Linus."

Iniangat ko ang tingin ko sa babaeng binibigyan ako ng mapupungay na tingin. Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin.

"Ngayon pa ba Lumi? Malapit na nating marating ang nais nating mangyari!" pagalit kong singhal sa aking kapatid.

Sa lahat naman ng oras bakit ngayon pa siya sumusuko? Nasa kalagitnaan na kami.

Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon