Chapter 11

65 3 0
                                    

Someones Point Of View
"Sila'y nakapasok na sa loob nitong Bosque," umiiling kong pahayag sa aking sarili.

Mali, maling pumasok sila sa loob ng librong ito.

Ang akala ko'y aking mapipigilan ang kanilang pagpasok sa loob ng mundong ito. Ngunit sa nangyayari ngayo'y mas lalo lamang natutupad ang masamang balak niya.

"Anong dapat kong gawin?" tanong ko sa aking sarili habang nakatanaw sa mga kabahayan at wasak ng mga bahay.

Naputol ang aking pag-iisip noong marinig ko ang ingay na ginagawa ng aking mga alaga. Nilingon ko sila at kasabay naman no'n ay ang  pagsilapitan nila sa akin. Animo'y may gustong iparating.

Nang nakuha ko na kung ano ang kanilang nais na iparating ay marahas akong nagbitiw ng malalim na hininga at pabagsak na umupo sa isang kahoy na silya.

Maski ang aking mga hula ay mali. O kaibigan ko, ano ang iyong nais na gawin.

Umiling na lang ako at ipinikit ang aking mga mata.

Gagawin ko ang lahat mailabas lang ang mga bata, iyan ang aking pangako.

-Aize Point Of View-
Pinagsakop ang mga buhok ko at inilagay sa kanang bahagi ng balikat ko. Marahas na tumatama sa mukha ko ang sinag na nanggagaling sa araw. Tirik na tirik ito, dahilan para pagpawisan kami.

Napangiwi ako habang nakatingin sa diretso na dinadaanan.

Pabalik na kami ngayon sa dapat naming dadaanan kahapon.

"Guys, hindi ba kayo nagugutom o nauuhaw man lang?" tanong ni Zenaida sa harapan ko.

Huminto pa siya at nilingon kami.

Oo nga 'no? Ngayon ko lang din napansin na parang hindi ako naghahanap ng kung ano. Hindi ko rin naramdamang kumukulo ang tyan ko at nanunuyo ang lalamunan ko.

"Haha, oo nga ano? P*kinangina, ang angas!" Cadmus Interupted. 

Mahina akong napatawa.

Kahit kailan talaga 'tong bibig ni Cadmus.

"Huh? What did you say? Fokengena?" inosenteng tanong ni Zenaida.

Nanlaki ang mata ko at tuluyang napahagalpak sa tawa. Napatahimik si Zenaida at Art. Ang tawa lang namin ni Cadmus ang pumuno sa katahimikan ng gubat.

"W-what?!" mataray na tanong ni Zenaida pero bakas pa rin sa mukha niya ang pagtataka.

Tuluyan kong naramdaman ang sakit sa aking tyan dahilan ng kakatawa at pinilit kong itigil iyon.

Haha, Lt talaga si Zenaida. She only know some english cuss.

Maluha-luha ko silang hinarap. Napatigil ako ng mapansin kong nasa tabi ko na si Art.

Oh, d*mn.

Nanlilisik at nanliliit ang mata niyang nakatingin saakin. He started to pinch the bridge of his nose. Bahagya akong napa-atras, then I pursed my lips.

"Kuya Max!" bakas sa boses ni Zenaida ang pagmamaktol.

Napangiwi ako at umpisang tumuwid sa tayo.

"Eto kasi, eh," bulong ko kay Cadmus na nasa kaliwang bahagi ko.

Si Zenaida ay nasa harap naming tatlo.

"Woah, ako pa. Reaksyon ko lang naman 'yon," kamot ulo niyang bulong sa akin.

"D*mn," I grumbled.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtaas ng kamay ni Art, at ginamit ito upang guluhin ang buhok.Halatang nauubusan na ng pasensya. Si Zenaida naman ay patuloy pa ring pagmamaktol, kesyo ba't daw namin pinagtawanan.

Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon