-Aize Point Of View-
"Aize, gising!"Nagpabaling-baling ako nang marinig ang pamilyar na boses. Madali akong bumangon at hindi man lang tiningnan kung sino ang nagsasalita. Ang palad ko ay dinala ko sa aking mukha at kinusot ang mata.
Tulala pa rin ako ng maramdaman ang mabilisang paghila sa aking braso. Halos mabuwal ako sa kinauupuan ko at napasalubsob kay Zenaida.
"Ano ba iyon?" ang boses ko ay iritang irita na.
Hindi ba pwedeng matulog muna yung tao? I'm still f*cking sleepy.
"Something weird is happening!"
Napakunot naman ako ng noo. I gave her a blank stare and did nothing.
F*ck, inaantok pa talaga ako.
Gamit ang kamay ko ay hinawi ko ang buhok ko papunta sa kabilang side ng balikat ko.
I saw how Zenaida rolled her eyes to me. Madali siyang pumunta sa dalawang lalaki at ginising ito. Hinawakan ko ang noo ko at muling yumuko sa tuhod.
Napasinghap naman ako sa ginawa. Muli kong inangat ang ulo at tinampal ang dalawang pisnge.
Shet naman. Bakit ngayon pa ako naging lutang.
"So, what are you saying again?" I boredly asked to Zen.
Gising na rin ang dalawang lalaki. Hindi sila tumayo o gumalaw man lang sa kinahihigaan nila. Ang kanilang mga kamay ay nakatakip sa kanilang mukha.
See! Bakit ang hyper-hyper ni Zenaida sa ganito.
Nakasalampak pa rin ako sa damuhan. Ang dalawang hita ko ay diretsong nakalapat sa damo. Ang palad ko ang tanging suporta, na nasa likuran. Ang ulo ko naman ay nakatingala sa langit.
Ang langit ay kasing lungkot ng kagabi. Kagabi ay halos wala kang makikitang bituwin, at tanging mga ulap lang. Ngayon ay ulap lang din ang makikita sa langit. Wala itong korte, blangkong-blangko maski ang mga ulap.
I don't know what's really happening. But seriously Luminus? Bawal bang matulog? Malay mo ito na pala ang huling pagtulog namin, pagbigyan mo naman. Napapagod din kami.
Kainis.
Kahit labag sa loob ay kumilos na ako. Habang tumatayo ako ang aking labi ay nakangiwi, at ang aking nga noo ay nakakunot.
Hindi pa ako tuluyang nakakatayo ay naramdaman ko ang isang mainit na palad na dumapo sa aking wrist. Muli ay napaupo nanaman ako.
"Ano ba kasi 'yun—"
Hindi ko natulog ang sasabihin ko dahil sa biglang pagtakip ni Art ng bibig ko.
What the f*ck.
Ang mga mata ko ay nanlaki ng makita kung ano ang posisyon namin. Naka-upo ako sa lap ni Art. Ang isang kamay ni Art ay nasa bibig ko, at ang isa naman ay nasa bewang ko.
Ang paghinga ko ay hindi naging normal. Mabibilis kong pinakawalan ang mga ito. Ang mabilis na pagtibok ng puso ko ang tanging naririnig ko. My heart looks like it racing with something.
"Geez! Aize, ito 'yung sinasabi ko sayo kanina!" mahinang bulong ni Zenaida na nasa gilid lang.
Lahat kami ay nakayuko at tagong-tago sa isang puno, na napupuno ng naghahabaang damo.
I rolled my eyes and turn my eyes in the direction they're talking.
Sorry naman. Lutang talaga ako kanina. Ngayon nga lang bumalik ang diwa ko eh. I mean, parang wala talagang pumapasok sa utak ko.
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasiMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...