-Aize Point Of View-
Ramdaman ko ang pagbigat ng hininga ko.Why? Hindi niya ba ako mapapagkatiwalaan? Edi dapat ang isinama niya na lang ay 'yung pinsan niya.
"But I can't open it," deklara ni Zenaida.
Gusto ko mang mamoblema kasama nila pero naiinis pa rin ako. Tss, ako pipili-piliin niya tapos hindi niya sasabihin kung ano 'yung nakita o nahanap man lang niya. Nakakasama lang ng loob.
"Naaalala niyo 'yong bilog sa libro? 'Di ba namili tayo ro'n. Kagaya niyang mga kahon na 'yan may mga kulay-kulay din. Edi baka gano'n din ang dapat nating gawin?" wala sa sariling sabi ko.
Sa taas ng bawat kahon ay may iba't ibang kulay gaya nalang ng: Dark blue, Light blue, Violet at Green.
Kahit magtanim ako ng sama ng loob hindi pwede. Sa ganitong sitwasyon ay dapat hindi ko gawing makitid ang utak ko.
Napansin kung paano sila mapatigil sa kina-uupuan nila. Agad nilang sinuri ang box at mayamaya pa ay umaliwalas na ang mukha nila.
Isa-isa nilang kinuha kung anong kulay ang pinili nila kanina no'ng nasa labas pa kami ng libro na 'to. Kinuha ko ang violet na kulay, si Zenaida ay light blue, habang kay Cadmus ang dark blue, at kay Art ang green.
Agad kong ini-scan ang itsura ng box. Woah, ang angas, makalumang-makaluma yung design. Bawat sulok ay may disenyo na ginto. Kagaya nang nasa libro, ang taas na bahagi nito ay may bilog kung saan kasya ang hinlalaki namin. Ang loob ng bilog ay shaded ng mga iba't ibang kulay.
"Ready?" malamig na tanong ni Art.
Tumango na lang ako at hindi siya binalingan ng tingin.
Sabay-sabay naming inilapat sa bilog ang hinlalaki namin. Hindi nagtagal ay nakaramdam na ako ng tumutusok, agad akong napapikit ng mariin. Kinagat ko ang labi ko para hindi mapasigaw. Sandalian akong nabingi dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Nang unti-unting kumalas ang daliri ko sa kahon ay agad akong napabalikwas. Nag-umpisa akong huminga ng malalim at malakas. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay tinusok ako ng karayom ng ilang beses.
D*mn, it hurts.
Hindi pa ako nakakabawi ng hininga ay napalingon ako sa mga kasamahan ko. Kitang-kita ko ang naiiyak na mata ni Zenaida. Habang si Cadmus naman ay hinihilot lang ang sentido niya. Halatang hindi pa nakakabawi ang dalawa sa sakit na naramdaman nila.
I hate this world thinking that it can be my death. Sa bawat pangyayari ay parang nawawan ako ng hininga. Ang malala ay nawawala ako sa sarili ko dahil sa pag-inda ng sakit.
"Hey, ayos ka lang?" tanong ni Art na nasa tabi ko na.
Woah! Sana ol isang Maximus Art. Parang wala lang sa kan'ya ang nangyari at mukhang hindi man lang nakaramdam ng sakit. How can he do that? Well, I guess he's good at hiding some feelings.
Tumango ako ng medyo umayos-ayos na ang paghinga ko. Hindi ko alam na mas lalala pa ang sakit no'n kesa do'n sa kanina.
"Look, bumubukas na siya!" Zenaida informed us with a high pitch tone.
Ang singkit niyang mata ay bumalik sa pagkasigla at nawala ang namumuong luha kanina.
My eyes popped out, and my jaw dropped.
Nanginginig ang kamay kong dinampot ang nasa loob ng kahon. Sa aming apat ay walang nangahas na magsalita dahil titig na titig din sila sa kahon.
"It's amazing," marahan kong sabi.
"And elegant," dugtong naman ni Zenaida saakin.
Hinaplos ko ng marahan ang hugis dahong bato na nasa gitna ng kwintas. Pinalilibutan din ito sa bawat gilid ng kumikinang na silver, na bumagay sa kulay violet na bato nito.

BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasyMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...