Chapter 22

43 5 0
                                    

—Aize Point Of View—
"What the f*ck," singhap ko.

Ang mga salitang ikinuwento sa amin ni Linus ay bumalik sa aking ala-ala. Kung ano ang plano ni Alexandre, kung gaano siya kagahaman sa kapangyarihan, at kung ano ang tingin sa kanya ng mga taong naninirahan dito.

I mean, hindi niya naman kailangan gawin 'yon. Kinuha niya ang mga susi kung kaya't nandirito kami.

"Team Alpas, ihanda niyo ang sarili niyo. P*ta, nasa harapan na pala natin ang kalaban!"  madiing bigkas ni Cadmus.

Art lips is tightly pursed together. Zenaida's palm is on her mouth, and her eyes is wided. While Cadmus is clenching his jaw.

"Sa ating dalawa alam natin kung sino ang mali. Hanggang dito ba naman, ang iyong ugali'y pangkalye pa rin. Simula't una damay na ang mga bata. Pagkapasok pa lang nila," malamig na turan ni Alexandre.

Sa kinikilos niya pa lang ay halatang-halata na wala siyang pakialam kay Linus na nasa harapan niya. Anong nangyari sa past nila?

"Aking mahal na kaibigan, walang kinalaman ang aking ugali rito. Kung hindi mo lang sana ginawa ang mga gusto mong mangyari baka hindi sila nadamay sa gulo. Huwag kang umasta na parang wala kang paki-alam sa nangyayari!" singhal naman ni Linus.

Ang mata ni Alexandre ay puno ng pagsusumaho at kalmado. Habang ang kay Linus ay bakas na bakas ang galit at inis.

"Baka gusto niyo ng popcorn, guys?" pabirong tanong ni Cadmus.

Napa-iling ako at hindi napigilang mapangiti. Loko-loko talaga.

"Kayo!"

Napabalik kami ng tingin sa dalawa at nakita ko kung paano kami ituro ni Alexandre.

"Yan kasi Cadmus! They Naingayan tuloy," inis na bulong ni Zen at hinampas pa si Cadmus.

Takte talaga.

"Kahit anong mangyari ako'y nasa inyong tabi lamang. Tayo'y magkikita pa. Nasa sainyo kung sino ang tunay, kung sino ang nagpapanggap. Kayo'y huwag mag-aksaya ng oras," kalmadong paalala sa amin ni Alexandre.

Napakurap ako at tinitigan lang siya.

Ang kanyang likod ang nakaharap sa amin, at nag-umpisa nang maglakad. Ni isa sa amin ay walang nagsalita at walang may gustong basagin ang namumuong katahimikan. Ang mga ahas na nasa paligid ay sumabay sa kaniyang maglakad.

Segundo pa ang lumipas ay tuluyan na siyang nawala sa aming harapan. Marahas na humarap sa amin si Linus at ang kanyang mukha ay lukot na lukot. Puno ng pangamba ang kaniyang mata at naluluha pa.

"Ayos lang ba kayo? Pasensya na, ganoon lang talaga siya. Kung makikita niyo siya ulit ay tumakbo na lang kayo," basag na boses niya.

Nanliit ang mata ko at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan. Napasinghap ako sa inasta ni Linus. Ang dalawang lalaki ay hindi na rin nagsalita at blankong tinignan si Linus. Habang si Zenaida ay nanlalaki ang mata.

Ang akin lang naman ay ang oa niya.

"Maayos na kami, maka-aalis ka na. Kaya namin ang sarili namin," mas malamig pa sa yelong sagot  ni Art kay Linus.

Hindi man lang nagulat si Linus at binigyan niya pa ng matamis na ngiti si Art.

"Kaya niyo 'yan! Nandirito lang ako. Hanggang sa muli!" nakangiting pag-che-cheer niya sa amin at saka tuluyang nawala sa harapan namin.

I'm still wondering about their past. Who's Linus twin? Dati na ba silang nakatira dito? O, kagaya namin ay may kani-kaniyang buhay din sila sa labas.

Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon