Chapter 32

37 4 0
                                    

-Alexandre Point of View-
Ang akala ko'y magagawan ko kaagad ng paraan, ngunit humadlang si Linus.

Ang kanilang mga loob ay wala pa sa akin. Ngunit matalino sila, gusto malaman ang totoong nangyayari.

Ang mga bata ay naka-upo sa sala ng aking bahay. Kami'y nakapaikot na posisyon.

"This house, it's creepy!"

Napalingon ako sa babaeng nagsasalita. Hindi ko na lang pinansin iyon, batid kong may iba silang lengwahe. Nagbago na talaga ang panahon.

Kagaya nila, kami'y magkakaibigan din. Sa ngayon, kami'y nagkawatak-watak na.

"Pwede bang mag-umpisa ka nang magkwento?" tanong ng lalaking matangkad.

Tumukhim ako at inihanda ang sarili ko sa pagkukwento. Mukhang kailangan ko na namang balikan ang nakaraan.

"Psst! Alexandre!"

Bahagya kong inilingon ang ulo ko para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ito.

Sinenyasan ko siya na manahimik, dahil may guro na nagtuturo sa aming harapan. Mayamaya pa ay binato niya ang isang lukot na papel.

Maingat kong pinulot iyon at tiningnan ang nakasulat.

"Tayo'y magkita sa silid-aklatan. May nais lang akong ipakita, tiyak ay mamamangha ka!
-Linus"

Muli kong nilukot ang papel at itinuon ang atensyon sa guro na nasa harapan. Kahit kailan talaga si Linus, ang nais lang ay makapagsaya.

"Ano bang nais mong ipakita?" pabulong kong tanong sa kanya.

"Tama, nabulabog pa ang mga gagawin ko ngayon, Linus!" gatong naman ni Lumi, kakambal niya.

Ang dalawang ito talaga ay magkaibang-magkaiba.

"Oo, heto na!" sabat sa amin ni Linus at marahang ibinaba sa harapan ng lamesa ang isang libro.

Malaki ito, ngunit napupuno ng dyamante.

"Ano na namang kalokohan iyan Linus? Ni hindi ka nga nagbabasa ng libro!" pang-aasar sa kanya ni Lumi.

Napatango-tango ako at sumang-ayon. Tumayo na ako at kinuha ang aking mga gamit.

"Mauuna na ako Linus. Ang kalangita'y nagdidilim na," buryong paalam ko sa kanila.

Ngunit mabilis na binuksan ni Linus ang Libro na nasa lamesa. Ako'y duda talaga kung totoo ang mga dyamanteng nandadyan.

"Tingnan niyo kasi!" pikon niyang sigaw sa amin.

Kami na lamang naman ang tao rito.

May nilabas siya sa bulsa niya at inilapat iyon sa napagka puting papel ng libro. Isa itong karaniwang panulat.

"Bola?" tanong ko ng mabasa kung ano ang sinusulat niya doon.

Hindi nagtagal ay may biglang sumulpot na bola sa kamay niya.

"Papaanong?" gulat na gulat kong tanong kay Linus.

Mabilis pa sa alas kwatro ay bumalik ako sa pagkakaupo ko. Ang bangko na inuupuan ko ay iniharap ko kung nasaan si Linus. Maski si Lumi na nasa harapan namin ay napalipat din ng inuupuan.

Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon