Chapter 8

66 5 0
                                    

—Aize Point Of View—
Halos magkasabay naming binitawan ang kamay ng bawat isa at saka nagtungo sa labasan ng lugar na 'to.

"Do you guys think na nanda-dyan pa 'yong mga hyenas?" pabulong na tanong ni Zenaida.

Ang tunog ng sapatos namin bawat hakbang na aming ginagawa ay naglilikha ng ingay. Marahan kong hinawi ang takas kong buhok at lumingon kay Zenaida.

"Kung wala sila sa labas edi okay, kung nandoon naman edi okay lang din. Remember guys natakasan na natin sila," taas-noo kong sabi sa kanila.

Woah! Aize, where the hell did you get that f*cking confidence?

While my hair swaying on the air because of my movements, I saw Art. His lips is curving upward, again.

Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay agad na sumalubong sa amin ang alikabok. Kasabay nang pagtama ng alikabok sa mukha namin ay namayani ang katahimikan. We're all trying hard to cover our face.

Hindi na kami nagpatagal at tuluyan ng nilisan ang bayan na iyon. If were going to stay there, our life is in danger.

Pero ano pa namang bago? Sa lahat ata ng lugar eh, haha. Jusko, kailan ba matatapos 'tong laro na 'to. Ayos lang naman na magtagal kami bago matapos 'to, pero napapagod kasi kami. I thought sa mga lugar na ganito hindi napapagod yong bida. Fairy tales they called.

Hays, scam ang mga napapanood ko. Ilang oras pa lang kami naglalakad ay hinihingal na ako, tss.

"Are you guys are fine pa ba?" natatawang tanong ni Zenaida na nauuna sa harapan.

Napangiwi ako.

"Sus, tigilan mo! Kanina ka pa sabi ng sabi na malapit na tayo!" natatawang singhal ko sakanya.

Nawala na ang buhangin sa buong lugar at napalitan na naman ng nagtataasang damo. Marahas na tumatama sa hita ko ang mga damo, pero hindi ko na lang pinansin.

Sino ba kasing nagpa-uso ng shorts! Sa gubat? Really huh.

I slowly closed my eyes, at diretsong naglalakad pa rin. Mainit ang sinag ng araw na nararamdaman kong tumatama sa aking mukha.

I let a long sigh. There's no f*cking tree here.

"Let's rest team Alpas."

Sabay-sabay kaming napahinto at marahas na lumingon sa nagsalita.

"No f*cking way!" singhal ni Zenaida habang mariin na hawak ang mapa.

"Mag-aaksaya tayo ng oras!" tutol ni Cadmus.

"Oo nga! Dapat nga mas magmadali tayo eh!" sabat ko pa.

Sa mga lukot naming mukha ay sinalubong niya kami ng ngisi. Dahan-dahan niya pang inangat ang kamay niya sa ere, simbolo ng pagsuko niya.

"Easy, I'm just worried. Do you guys see yourselves? Pawis na pawis at hingal na hingal," natatawa giit ni Art at saka binaba ang kamay.

I rolled my eyes, dahilan kung bakit lalong lumakas ang pinakawalan niyang halakhak. Nakita ko namang pinandilatan ng mata ni Zenaida si Art.

Walang pumansin kay Art at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. See! Kaya mas gusto kong seryoso siya eh. I mean, hindi naman masamang magmagandang loob, but we're so desperate. We're all desperate, desperate to leave this place.

"Guys? Nakikita niyo ba 'yong nasa harapan natin?" kuryosong tanong ni Cadmus.

Gulat akong napatingin sa kanya. Masyado na atang malalim ang nararating ng utak ko.

"Of course not. You know your kapangyarihan is super vision. Eh you, do you know our kapangyarihan is?" mataray na saad ni Zenaida habang hinahampas pa niya si Cadmus ng mapa.

Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon