-Aize Point Of View-
Patay malisya kong sinalubong ang mga tingin nila. Ang kanilang mga mata ay puno ng pagtataka at mga katanungan."Ah, eh..."awkward kong sagot at parang nauubusan ako ng mga letrang sasabihin.
Kasi naman si Art, eh! Dapat binulong na lang niya. 'Yung iba ay masama ang tingin, hmm I'm wondering if they can understand us?
"Inyong ipagpaumanhin, ngunit ano ang inyong pinag-uusapan?" malamig na tanong ng reyna at binaba ang kanyang kubyertos.
Napaawang ang bibig ko at napatulala na lang ako sa reyna ng bosque. I lost words.
"Reyna ng Bosque, ang nais lamang nilang iparating ay hindi kami kakain. Kami ay hindi nagugutom," putol ni Cadmus sa awkwardness.
Napabuntong hininga na lang ako at pinanlilisikang tiningnan si Art.
"What?!" asik niya pa at umiwas ng tingin.
"P*tanginang reyna," bulong pabalik ni Cadmus.
Napa-iling ako at tumuwid sa pagkaka-upo. Sinalubong ko ang tingin ng lalaking nasa harap ko at napansin kong nanlilisik ang tingin nito.
Wtf?
"Art..." tawag ko ulit kay Art.
Nilingon ko si Zenaida at busy pa rin sa pakikipag-away kay Cadmus. Mukhang pinag-aawayan nila 'yung binulong ni Cadmus, ah.
"Ano na naman?" iritang sagot ni Art sa akin.
Tss, sungit. Sabagay, sinamaan ko pala siya ng tingin kanina, haha.
Mas lalo kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Kumunot ang noo niya at bahadyang napaurong ng kaunti.
"Baliw, may ibubulong lang ako!" giit ko.
I heared his heavy sigh, but in the end wala siyang nagawa at inilapit din 'yung tenga sa akin.
Daming arte!
"Tingnan mo 'yung nasa harapan ko oh, ang sama ng tingin!" inosenteng bulong ko at pigil ang pagtawa.
Wala naman akong balak ibulong sa kanya yon, gusto ko lang siyang asarin.
Pigil pa rin ang pagtawa ko ng nilingon ko sila Zenaida. Uhm, okay? What's happening?
Walang emosyon si Zenaida habang kitang-kita sa mata ni Cadmus ang pagmamakaawa.
"Hey, anyare sa inyo?" bulong ko kay Zenaida.
Binigyan ako ng tipid na ngiti ni Zenaida. Singhap lang ang aking naitugon nang makita iyon.
"Ah, I said something lang, haha!" nakangiti niyang tugon.
Tumango-tango na lang ako at muling bumaling kay Art.
"I confessed..."
I heard Zenaida mumbled at hindi ko ganoon narinig.
"Pati ikaw?" I said in a frustrated tone.
Napangiwi ako at pinaglaruan ang pagkaing nasa harapan ko.
Walang emosyon ngayon si Art habang nakatingin sa kawalan.
"Anong pati ako?"
Marahan kong binitawan ang mga kubyertos na nasa harapan ko at awang bibig na lumingon sa kanya.
"Oh, kala ko 'di ka mamamansin?" salubong ko sa kanyang may pigil ngiti sa labi.
I noticed that his emotion turn into a soft one.
"Sino naman ang nagsabing hindi kita papansinin?"
Napakurap ako at alam ko sa sarili kong nagliliwanag ang mga mata ko. Mabilis ang pagtibok ng puso ko at parang tuwang-tuwa ako sa atensyon na ibinibigay ni Art.
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasyMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...