—Aize Point Of View—
"Yahhh! Guys, do something!" tili ni Zenaida at natarantang gumalaw sa kinauupuan."P*tangina hindi ako maka-alis!" sabat pa ni Cadmus at hindi rin mapakali sa inuupuan.
Tinry kong tumayo sa kina-uupuan ko pero parang na-stuck ako sa loob nito.
"Calm down! Walang mangyayari kung magpapanic kayo!" may otoridad na sigaw sa amin ni Art.
Ayoko nang mahulog ulit sa ganon ah. No'ng nahulog ako sa talon, ramdam na ramdam kong mamamatay na ako no'n.
Nang medyo malapit na kami ay mas lalong lumakas ang hangin na sumasalubong sa mukha ko. Natatakpan na rin ng buhok ko ang mukha ko.
"Yaaaaaaahhhhh!" tili ko ng makita kung paano nila narating ang dulo ng riles.
Ang buong lugar ay nababalutan ng matitinis naming tili. Maski si Cadmus ay napatili na rin.
Napakapit ako ng mahigpit sa magkabilang dulo ng kariton. Huli na nang mapagtantong ako na ang sunod.
"F*ck! Ayoko na ng thrill, pramis!" tili ko pa at mariin na ipinikit ang mata.
Mariin ang pagpikit ng mata ko. Ang tanging naririnig ko na lang din ay ang malakas na tibok ng puso ko.
Mas lalong lumakas ang tili ko nang bigla akong naglaglag.
"D*mn, shet! Hindi ko rin gusto ng rides!"
Napahawak ako sa dibdib ko habang mariin pa rin ang pikit ko. Nanginginig na ang kamay ko at sumabay pa ang malakas na tibok ng puso ko.
Kasabay nang pagkahulog ko ay nagmukha itong slow motion. I don't know what will happen next. Ang tanging iniisip ko lang ay ang ngayon. Tila wala na akong paki-alam sa mangyayari sa kinalaunan.
Nanlamig ang buong katawan ko at parang nawawalan na ako ng hininga sa iniisip kong pwede akong mamatay ngayon.
Dahan-dahan kong minulat ang aking mata. Hindi lahat ng problema ay masusolusyunan ng pagtakbo. Nu'ng patuloy akong pipikit ay mangangapa ako sa nangyari at naranasan ko.
Bumungad sa akin ang puting lugar. Kasama ang kariton ay lumilipad pa rin ako sa ere. Ang buong katawan ko ay nanlalamig na sa kaba. Ako lang mag-isa. Amg nangyayari sa akin ngayon ay parang naranasan ko na. Kagayang-kagaya ito no'ng nangyari bago ako makapasok sa loob ng Luminus.
Mayamaya pa ay nilamon na ako ng dilim at nawala ang puting paligid ko. Napapikit ako at napabitaw na sa karitong hinahawakan ko, ng mapagtantong unti-unti na itong nasisira. Ang bawat parte ng inuupuan kong kariton ay dahan-dahang naghihiwalay. Mabagal ngunit halos nagiging abo ang ibang parte.
Mabilis akong napamulat nang maramdaman kong tumama ang likuran ko sa malambot at malamig na bagay.
Hingal na hingal akong bumangon at inilibot ang paningin sa lugar kung nasaan kami.
D*mn, portal yon? Akala ko masasaktan talaga ako kung sakaling mahulog ako, f*ck.
But, that's extraordinary. Ngayon lang ako nakakita ng gano'ng portal.
"Ahhhhhhhh! Am I dead?!" tili ni Zenaida na nakahiga din sa nagpatong patong na yelo.
Nakapikit pa rin siya at panay sipa ng paa.
Mariin kong hinilot ang sintido ko.
"P*ta ano 'yon?!" gulat na gulat na tanong ni Cadmus na kakatayo lang.
Hingal na hingal pa rin siya at habol hiningang nakatingin sa akin.
Tumingala ako at sinalubong ang mga nagpuputiang maliliit na bagay na bumabagsak mula sa langit. Marahas na tumama sa mata ko ang naglalaglagang nyebe.
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasyMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...