—Cadmus Point Of View—
Inilingon ko ang aking ulo kung na saan si Aize.Sa kaunting panahon ay tinuring ko na rin siyang kaibigan. Ngayong nakikita ko kung paano bumagsak ang kaniyang luha habang nakahilig kay Max.
Naaawa ako sa kaniya.
"Cad, tingnan mo si Kuya," bulong sa akin ni Zenaida.
Diretso lang ang aming lakad sa mabuhangin na lugar na ito. Tirik na tirik ang araw, at ni isang puno ay wala kang makikita.
T*ngina, ganito pala ang itsura ng disyerto.
"Oh, anong meron?" irita kong balik kay Zen.
Halos nakapikit na ang aking mga mata para lang protektahan ito sa mainit na sinag na dala ng araw.
Gusto ko na talagang maka-alis dito. Ilang araw pa lang umaayaw na ako, t*ngina. Paano kung tumagal kami dito.
"Kuya Max is smiling!" matinis niyang bulong at sinabayan pa ng paghahampas sa akin.
Kinunot ko ang noo ko at tumingin sa hulihan, kung na saan ang dalawa. Tama nga si Zenaida. Habang diretsong-diretso na naglalakad si Aize ay nahuhuli naman si Max at naka-half smile na nakatingin kay Aize.
T*ngina mo talaga, Max!
Alam kong mas lumalim na ang kanilang pagsasama. Noon ay gustong-gusto kong maka-alis sa lugar na ito, pero kung iisipin na maiiwan dito si Max. T*ngina, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Habang pinagmamasdan ang mukha ni Max ay kitang-kita ko ang mga abong galing sa kan'yang katawan. Hindi magtatagal ay tuluyan na siyang mawawala sa amin.
Ang kanyang katawan ay hinang-hina na, na halos hindi na gumalaw. Ang kan'yang pag-inda sa bawat sakit. Namumutla na rin ang kan'yang mukha. Mukhang ngayon ko lang siya makikita na ganitong kahina. Hindi ko alam na sa lugar na ito talaga.
Sa lahat ng kinaharap namin, siya ang pumoprotekta sa aming tatlo. Ginagawa niya ang lahat para maging ligtas kami. Kung iisipin ay minsang kj na rin siya, pero may dahilan siya para sawayin kami.
"Sinong gumawa kay Cadmus niyan?"
Iniangat ko ang ulo ko para tingnan ang nagsasalita. Mabilis akong napaismid ng makita kung sino ito.
Nag-iwas ako ng tingin at ibinaling ko na lamang ang tingin kay Zenaida na siyang gumagamot sa sugat ko.
Ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. T*ngina, ito ang kinatatakot ko, eh. Sabing 'wag iparating kay Max, eh.
Ang kanyang malutong na pagtatagalog ang nakapagpatayo sa aking balahibo. Ang paghinga ko ay mas lalong lumalalim. Nanlalamig na ang aking katawan sa itsura ngayon ni Max.
"It's Jared, kuya!" sumbong pa ni Zen.
Nanlaki ang mata ko at napasipa kung saan ang upuan ni Zen.
"What?!" inis niyang reklamo at inikutan pa ako ng mata.
Padabog naman na lumabas sa classroom si Max. Nakatiklop ang kan'yang mga kamay.
Shit, away na naman.
Ilang minuto lang ang lumipas ay biglang nagkaroon ng pagtitipon sa hallway.
"Kilala mo ba kung sino ang kinakalaban mo?!"
Mabilis kaming nagkatinginan ni Zenaida ng marinig ang malakas na sigaw na iyon. Boses iyon ni Jared.
"Ba't kasi nagsumbong ka pa, Zen?!" puno ng iritasyong kong sisi.
Nginitian niya lang ako at saka tumakbo rin palabas. Ang palad ko ay mabilis na dumako sa buhok ko at ginulo iyon.
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasyMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...