Chapter 37

36 2 0
                                    

—Linus Point Of View—
"Ang tanging sabihin mo'y ika'y naduduwag lamang. Kaya't kinuha mo ang mga loob ng mga bata!"

Napangiwi ako nang marinig ang babaeng may kung ano sa katawan. Ang mabunganga naman nito. Kanina pa 'to, ah. Kung iisipi'y parang hindi siya bagay sa pagkareyna.

Nagulat na lang ako dahil biglang nag-iba ang kanilang mga itsura. Noong ginawa namin sila, napakaperpekto nila. Ano ng nangyari ngayon? Siguro ako ang nag-isip na magkagan'yan sila? Hindi ko alam, wala na akong maalala.

Dumako ang mga mata ko sa apat na batang nagbubulungan. Sige kayo'y magbulungan lang, sa susunod ay hindi na kayo makalalabas.

Kanina ko pa tinatago ang mga ngiti ko sa aking labi. Para silang nasisiraan ng ulo sa ginagawa nilang pagsisigawan. Hindi nila alam na nasa likod lang pala nila ang gumawa ng lahat.

Ang mga bata ay parang hindi nababahala sa mga nangyayari. Maski ang pagkawala ng kristal.

"Paano natin sila mahahanap?" tanong ng babaeng reyna sa Aqua.

Kanina pa sila nagkakagulo sa labas ng portal papasok sa kaharian ng Magia. Ang buong akala ko'y nakapag-usap na sila sa mga gagawin, hindi pa pala.

Nanliit ang mata ko nang makita ang isang usok na sumasayaw sa hangin. Habang nagsisisihan sila ay maingat kong inihakbang ang aking mga paa at pumunta sa pinanggagalingan ng usok.

"Ha! Sinasabi ko na nga ba."

Iningatan ko ang mga galaw ko at dahan-dahan na lumapit sa kinahihigaan ng mga bata. Ang kanilang mga mukha ay maaamo. Hindi alintana ang mga pagsubok na kakaharapin.

Una kong ilapitan ang lalaking hindi ko tipo.

"Akala mo kung sino. Pagkayabang-yabang, wala namang binatbat," bulong ko at maingat na hinawakan ang kwintas niya.

Ito ang kinaiinisan ko sa kanilang apat. Kung magsasalita'y akala mo may galit sa lahat ng bagay.

Sa likod ng kwintas nila ay may maliit na bilog doon, halos hindi mo mapapansin iyon. Nang kinuha ko ito ay dahan-dahang umiba ang itsura. Ang kaninang maliit na bilog, ngayo'y kasinglaki na ng palad ko. Ito na nga iyon. Ang aking inaasam na kristal.

Pagkatapos ko sa kanya ay isa-isa ko silang sunod na pinuntahan. Hindi man lang nila ako napansin. Mga wala talagang binatbat.

Bago ako tuluyang tumalikod sa kanila ay tiningnan ko muna ang kanilang mga maamong mukha. Mahihimbing ang kanilang tulog at hindi man lang nag-iba sa kanilang pwesto. Isa rin ba ito sa laro? Kung ano man ang inisip ni Lumi para mabuo ang larong ito, tiyak na kakaiba ito.

"Atin bang idadamay ang mga bata?" tarantang tanong ng lalaking kakaiba ang suot.

Nahiya ang aking damit dito. Tirik na tirik ang amang hari sa kalangitan ngunit ang kaniyang kasuotan ay panlamig. Siya'y nasisiraan na ba ng ulo?

"Huwag niyong idadamay ang mga bata dito!" pautos na sigaw ni Alexandre.

Wala pa ring pinagbago. Gagawin niya ang lahat para mailigitas ang mga inosente. Kaibigan, ang tanging hiling ko sa iyo, nawa'y piliin mo naman ang iyong sarili.

Kung hindi ka lamang humadlang sa mga plano ko'y magkaibigan pa sana tayo.

"Napakasama mo Linus!" sigaw niya pa pabalik.

Pinanlakihan ko siya ng mata at gamit ang aking hintuturo ay tinuro ko ang aking sarili.

Napa-irap ako nang makita ang naging reaksyon ng mga hari at mga reyna. Ang kanilang buong atensyon ay nasa akin. Kahit kailan ka talaga Alexandre.

Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon