—Aize Point Of View—
Nang maramdaman ko ulit ang katawan ko ay agad akong napabalikwas. What was that?! Feeling ko ay nalagutan ako ng hininga."F-f*ck!" rinig kong sabi ng isang boses.
Hindi ko iyon pinansin at pinagtuunan ko ang paghinga ko. Hindi ako makahinga ng maayos, pakiramdam ko ay may sumasakal sa akin.
Tahimik ang buong paligid ko. Alam kong nasa tabi ko lang sila dahil dinig na dinig ko ang malalalim nilang paghinga. Ang malulutong na tunog ng dahon kapag may gumagalaw sa amin. Ang Pagtama ng dahon sa isa pang dahon kapag hinahangin, at ang pag-agos ng rumaragasang tubig sa 'di kalayuan.
Where the d*mn f*ck are we?
"Yaaaaaahhhhh!" matinis na sigaw ni Zenaida.
Umayos na ang paghinga at ang pakiramdam ko. Agad akong tumayo para makita ang iba. Sabay-sabay silang lumingon sa akin. Unang sumalubong naman ang kanilang mga laglag at nanlalaking mga mata.
"Guys, tingin ko ay nasa laro tayo," buntong-hininga na sabi ni Cadmus.
Nakita ko kung paano hilutin ni Maximus ang bridge ng ilong niya. Habang si Cadmus naman ay napahawak sa sanga ng puno. Napapikit ako ng mariin nang makita ko kung nasaan kami.
Pinapalibutan kami ng puno at kung ano-ano pang matatayog na damo sa paanan. Kakaiba ang mga puno dahil kulay violet ang iba, samantalang ang iba ay mint green.
This place is so creepy.
Hindi pa kami nakakabawing lahat ng may maramdaman na naman akong kakaba. Dahan-dahan akong lumingon sa bandang dulong bahagi ng gubat.
Marahas na nawawala ang nakatabon na puno doon. Yumayanig ang lupa, pero alam kong hindi nila iyon napapansin.
"D*mn—" mahinang bulong ko sa sarili ng makita kung ano iyon.
My heart began to beat fast at loudly.
"Takbo! Takbo bilis!" malakas kong sigaw sakanila.
Kitang-kita ko ang pagtataka sa mga mukha nila at mukhang hindi pa kikilos. The elephant began to roar. Dahan-dahan pa akong lumingon doon, f*ck! Tumatakbo na ito papunta saamin.
"Damn it! Elephant?! Is that for real?!" tiling sigaw ni Zenaida.
Napa-iling na lang ako at mas binilisan pa ang pagtakbo. Sa bawat takbo namin ay rinig na rinig ang malutong na tunog ng dahon. Marahas ding tumatama sa hita ko ang nagtataasang damo.
"Saan tayo pupunta?!" tanong ni Cadmus na nangunguna ngayon sa pagtakbo.
Ang nasa pinakalikod naman ay si Maximus. Samantalang ang nasa harapan ko ay si Zenaida.
"Saan na?!" gulong-gulo na tanong ni Cadmus.
Nakita ko pa kung paano niya guluhin ang buhok niya. Sumalubong sa amin ang mga daan.
Maraming daan na pag pipilian at may mga sign doon. "Mag-ingat sa pagpasok."
"Bahala na. Do'n tayo sa pinakagitna!" sigaw ko ng makita ang galit na galit na elephanteng papunta sa amin.
Napakabilis ng pagtakbo nito, sinabayan pa ng mabigat na hakbang, at ang ingay na nililikha niya.
Hindi pa man kami nakakatawid sa kabilang daanan ay may biglang huminto sa aming sasakyan.
"Sakay na, kung ayaw niyong mamatay!" sigaw no'ng driver.
Nagtinginan muna kaming apat at mukhang walang gustong sumakay sa amin. Ngunit nang marinig namin ang ingay na nililikha ng elepante ay napatakbo rin kami.
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasyMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...